"Hey, anong nangyari?" pabulong niyang tanong sa akin. Gawa ng samut-saring kaisipan at kaba ay isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil walang nangyaring masama sa akin, dahil na rin kay Steve? O matatakot na baka pati siya ay madamay dahil sa nangyari? Hindi ko rin maiwasang mapaiyak na lang. Ang gaga ko kasi! Ang gaga gaga ko talaga! "Kasalanan ko. Tama naman siya, binayaran niya ako. Puta nga kasi ako diba?" sabi ko habang impit na lumuluha. Kahit anong punas ko'y tuloy-tuloy pa rin ang patak no'n. Buwisit! Hindi dapat ako umiiyak, lalo na sa harap ni Steve. "No, hindi ka gan'on," he said then hug me tight. "Anong ginawa niya sa'yo? Sinaktan ka ba niya? Pinilit niya ang sarili niya sa'yo? Answer me please..." sunod-sunod niya pang tanong.

