[FIVE YEARS AGO] ***** "Bakla, wala yata ngayon 'yong suitor mo ah! Pucha, mukhang na Imelda Papin ka ah?!" Tinungga ko lang ang beer na iniinom ko at hindi na pinagkaabalahang pansinin pa si Aiza. Isang linggo na kasi matapos ang date kuno namin ng hinayupak na Steve na iyon, ay hindi na siya muling nagpakita pa. Kaya ayan, na Imelda Papin raw ako... Isang linggong pag-ibig ang putris! Pakialam ko naman kasi sa kaniya? Sino siya para gawin akong bayarang girlfriend? At kung hindi raw ako papayag ay gagawin niya akong 'fubu'... Anong fubu ang pinagsasabi niyang lintek siya?! "Ano bang ibig sabihin ng fubu?" kuryosong tanong ko kay Aiza. Wala si Gladys ngayon dahil may regular customer ang bruhang iyon. Mukhang nakahanap ng guwapong mayaman yummy pa ang bruhilda! "Anong fubu? Iyong ta

