CHAPTER 39

1586 Words

GABI NA NAMAN... Hindi ko na naman alam kung pipikit ba ako o hindi? Kung matutulog pa ba ako o mananatiling gising? Napatingin ako sa wall clock at pinakinggan ang mahinang tunog ng kamay no'n. Pasado alas diyes na ng gabi, at nahihimbing na rin ang mga anak ko sa kanilang silid. Ngunit ako, hanggang ngayon ay mulat na mulat pa. Tumayo ako at bumaba sa kusina upang magtimpla ng gatas. Kailangan kong pakalmahin ang kalamnan ko at gawing blangko ang isipan. Nang matapos sa ginagawa ay kaagad din akong bumalik sa silid ko upang doon na inumin ang gatas. Umupo ako sa balkonahe bago pinagmasdan ang madilim na kalangitan. Ganito rin dati. Ganito kadilim ang gabi. Walang tao at tanging tunog ng mga sasakyan na kalaunan ay nawala ang siyang huli kong narinig. "Calm down! He's not here!" I wh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD