"BRO, WHERE ARE YOU? BIRTHDAY NG INAANAK MO! Marami ka ng utang, mag bayad ka na!" sunud-sunod na sigaw ni Janrick sa kabilang linya ng sagutin ko ang tawag. Napagod akong magmaneho at mag grocery. Ang nais ko lang ngayon ay matulog at magpahinga, dahil bukas trabaho na naman. Walang kamatayang trabaho! "I'm tired, lemme rest for a while," I answered. But Janrick being the annoying katchupoy in our group, keeps on talking. Daig niya pa ang babaeng putak ng putak! Pinatay ko na ang tawag at kaagad na nagpalit ng damit. Ilang bloke lang naman ang layo ng bahay niya sa bahay ko. I wore simple maong shorts and a white shirt. Guwapo pa rin naman ako kahit mukhang puyat. Matapos ang ilang minuto ay bumaba na ako. But when I opened the door, I saw my sexy neighbor Jewel together with her

