KINAUMAGAHAN nagising akong wala na si Steve sa tabi ko. Ngunit hindi iyon ang tuluyang nagpagising sa inaantok ko pang diwa, ku'ndi ang mga boses ng tila nag aaway sa labas. Kumuha ako ng t-shirt sa damitan ni Steve at baliwalang isinuot 'yon. Naghilamos at nag mouthwash na rin ako bago tuluyang lumabas. Ngunit napahinto ako ng marinig ko ang malakas na boses ni Steve pati na rin ang boses ng babae na galit na galit. "You slept with that woman?! My god Steve, wala ka na ba talagang pinipili ngayon ha?!" Nagpanting kaagad ang tenga ko ng marinig ko ang sinabi ng babaeng iyon. Dahan-dahan ko rin silang sinilip upang hindi nila ako makita, pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang fiancee ni Steve dati. "What's your problem, Laura? I love her," mariing sambit naman

