"Puwede ka bang sumama sa akin?" Kumalas ako kaagad sa pagkakayakap sa kaniya ng sabihin niya iyon. It seems natural. Pakiramdam ko'y matagal ko na siyang niyayakap. Na para bang normal lang na magyakapan kaming dalawa. Pakiramdam ko pa nga ay ligtas ako at walang sino man ang puwedeng manakit sa akin, ng yakapin niya ako pabalik. "Saan?" kuryosong tanong ko. Kahit na ba panatag ang kalooban ko sa kaniya ay gusto ko pa ring makasiguro. Nadala na ako, at ayaw ko ng mangyari ulit ang nangyari sa akin sa kamay ng hayop na Mike na iyon! "Zambales." Napatitig ako sa kaniya, my grey eyes meet his grey eyes. Para tuloy akong tumingin sa sarili kong mga mata. "I help you remember the memories buried in your mind. Sigurado akong nariyan lang 'yon ngunit natabunan, o pilit mo lang kinalimutan," g

