ANG NGITING NAKABADHA sa labi ko ay nauwi sa ngiwi, ng humarap ang lalaking kanina ay nakatalikod. Kahit siya ay nagulat ngunit nakabawi rin kaagad. Tumayo siya at lumapit sa akin, na sa kabiglaan ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Anong ginagawa ng hudas na ito rito?! "Hi, good afternoon... Irish?" nakangising bati niya. Kulang na lang ay tumirik ang mata ko kaiirap sa kaniya. "Kailan ka pa naging Irish Smith?" tanong niya pa. "At kailan ka pa naging Lucas Moris?" balik tanong ko naman sa kaniya. Bakit ba nakakapikon ang hilatsa ng pagmumukha nitong lalaking 'to?! Akmang tatalikod na ako upang umalis, dahil nawalan na ako ng interes sa trabahong ino-offer nila. Isa pa, hindi naman siya ang katagpo ko! Kaya lang, tulad ng laging eksena sa teleserye pinigilan ako ng tukm

