PAGKARATING KO SA 'LA TIGRA' sakto naman na naroon na rin si, Lucas. Prenteng nakaupo sa swivel chair habang sinasayawan ng isang babae. Hindi ko na nahabol pa kanina ang sasakyan ng kapitbahay ko. Marami pa namang araw para roon. "Hey, man! Dito!" Kumaway pa sa akin si Lucas upang palapitin ako sa puwesto niya. Nang makalapit sa kaniya ay kaagad siyang tumawag ng babae upang palapitin sa akin. Hindi ako interesado at walang pakialam na tinignan lang ang babae. She was beautiful and sexy yes, but... I prepared Jewel more than this woman. "Zup? Mukhang busy ka ngayon ah. Tang'na! Ang yaman mo na yata ngayon, 'di ka na namamansin e'!" Ang sarap pektusan ni Lucas. Daig niya pang babae, ang daming sinasabi. "Nga pala, I have good news." "Who's that Irish Smith? Saan mo nakuha 'yon?" sunud-

