Kinabukasan ay tanghali na ako nagising dahil sa kakaisip ng kung ano ano. Kaya inaasahan ko na hindi ko maaabutan sila mommy at Tito. Pagkatapos mag ayos ng sarili ay bumaba na ako. Nakangiti akong binati nang mga kasambahay. Ngiti rin naman ang isinukli ko sakanila. Pero nang makarating sa mau dining area ay naabutan ko na nagkakape si Wilson.
" Ma'am Zarnaih ano po bang gusto niyong almusal?" Tanong ng isang maid sa akin. Sasagot na sana ako pero bigla naman nagsalita si Wilson.
" Let her cook her own breakfast. Wag niyo nang pagsilbihan pa." Ang sabi nito sa kasambahay.
" Pero sabi po-" Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil bigla na lamang nagalit si Wilson.
" Wala dito ang daddy ko kaya ako ang masusunod. Kaya na naman niyan ang sarili niya. "
" Sige ate ako na lang po ang magluluto nang agahan ko."
Ang mukha ni ate ay parang ayaw niya talaga sa kagustuhan ni Wilson pero walang magagawa kundi sundin ito dahil mawawalan sila nang trabaho.
Gaya nang gusto ni Wilson ay gumawa ako nang sarili kong almusal. Yung kaya ko lang. Nagpapasalamat ako dahil hindi naman ako nasugatan o napaso.
" You know how to cook huh? Maybe you'll use that to impress my dad." May ngisi sa labi na sabi ni Wilson. Ewan ko ba kung ano ang tumatakbo sa isip ng lalaking to.
Aakyat na sana ako dala ang pagkain ko pero mahigpit nitong hinawakan ang braso ko.
" Dito ka kumain sa baba at wag sa kwarto mo. Kapag nadumihan ay hindi naman ikaw ang maglilinis." Mariin nitong sabi.
Tinanggal ko ang pagkakahawak nito sa braso at sa dining nga kumain. Bakit ba kasi ang aga umalis nila mommy.
" huwag niyong ligpitin. Hayaan niyo siya. " Utos nito sa mga kasambahay dahil liligpitin na ang kinainan ko. Sinabi ko na lang na kaya ko at ako na. Para hindi na sila mapahamak pa.
Ang mga tingin sakin ni Wilson ay parang gusto akong tunawin. Nakakairita siya pero hindi ko magawang magalit sa lalaking ito dahil sila ang may ari nang bahay.
Abala na ako sa paghuhugas ng pinggan ng tumawag si mommy. Mas inuna ko ang paghuhugas kaysa sagutin ang tawag. Kaya nagulat na lamang ako nang biglang hablutin ni Wilson ang cellphone sa akin.
" Hello Tita." Pagbati nito sa aking ina.
" Wilson ikaw pala yan. Kamusta na ang anak ko. Kumain na ba? Pasensya ka na tanghali kasi siyang magising."
Nakaloud speaker kaya rinig na rinig ko ang sinasabi nang aking ina. Si Wilson naman ay napapangiti dahil sa naiirita ako. Sa tuwing susubukan kung kunin ang cellphone ko ay itinataass niya iyon upang hindi ko maabot o makuha.
May sasabihin pa sana ako pero pinatay ni Wilson ang tawag at basta na lamang binitawan ang cellphone ko. Nahulog iyon sa sahig at nagkaroon ng basag.
" Ano bang problema mo?" Galit kong tanong kay Wilson
" Ikaw at ang mommy mo ang problema ko. It's so obvious na pera lang naman ang habol niyo sa dati ko. Tama ba? Mukha kayong mga pera." Pangmamaliit nito sa akin at sa mommy ko.
" Hindi mo alam ang sinasabi mo! Hindi kami ganyang tao nang mommy ko! Ang sama nang ugali mo." Muli ay galit kong sabi.
" Yes masama ang ugali ko. Kaya sisiguraduhin ko na magiging malaimpyerno ang pananatili mo rito hanggang sa yayain mo na ang ina mo na umalis. " Saka ako nito tinalikuran.
Pinulot ko ang cell phone ko na basag na.
Pero maya maya ay bigla itong nagring. Ang mommy niya ulit pero hindi niya na lamang sinagot dahil hindi niya rin alam ang isasagot sa ina kung ano ang sasabihin kung bakit pinatay niya ang tawag kanina.
Pagkatapos mag-ayos sa kusina ay umakyat na ako. Mas mabuti pang manatili na lamang ako sa kwarto ko kaysa pakisamahan ang walang hiyang Wilson na yon. Gusto kong isumbong ito kay Tito Tony pero ayaw ko naman na magkasira ang mag-ama.
Habang sa kabilang banda ay napapangiti si Wilson dahil sigurado siya na mapapaalis niya rin ang mag-ina sa kanila kaya niya nga iniinis ngayon si Zarnaih pero hindi pa iyon ang best niya. May mas kaya pa siyang gawin. Yung talagang susuko ang babae.
Kaya naman niyang magpanggap na mabuti sa harap ng kanyang daddy at ina ni Zarnaih. Yung hindi halatang pinahihirapan niya si Zarnaih at sinasabihan ng masasakit na salita.
Kumukulo kasi talaga ang dugo niya. Mga mukhang pera ang mga ito. Mukhang pera lang ang habol. Sabagay mayaman ang kanyang ama at siya ay may sarili ding negosyo. Pero ang talagang kinaiinis niya ay bakiy napakadali lamang sa kanyang ama na palitan ang kanyang ina. At ang ipinalit pa ay isang katulad nang ina no Zarnaih na mukhang pera at si Zarnaih na mukhang mapagpanggap lamang.