Kinagabihan ay umuwi na ang mommy ni Zahara at ang kanyang Tito Tony. Buong maghapon siyang nanatili sakanyang kwarto dahil sa ayaw niya ngang makita si Wilson na sinira lamang kanina ang umaga niya. Mabuti nga at hindi pa umuuwi dahil kung umuwi ito ay kung ano ano na naman ang sasabihin sa kanya.
Lumabas lang si Zarnaih dahil ipinatawag siya nang kanyang mommy at Tito Tony.
" Kamusta naman ang araw mo Hija?" Tanong kay Zarnaih ng kanyang Tito Tony nakangiti iyo. Ang mommy niya naman ay nakangiti lang din at umaasa na maganda ang kanyang isasagot at hindi bad news.
" Maayos naman po." Nakangiti niyang sagot.
" Ang anak ko pala nasaan?" Tanong pa nang ginoo.
" Pasensya na po pero hindi ko po alam." Honest niyang sagot. Dahil hindi naman talaga niya alam kung nasaan si Wilson.
Maya maya ay dumating si Wilson.
" Saan ka galing, Hijo?" Tanong ng kanyang ina kay Wilson.
" May binili lang ho ako sa labas." Sagot ni Wilson. Magalang ang pagkakasagot hindi bastos at tila bumait ito.
Napatango tango na lang ang kanyang ina at ang kanyang Tito Tony.
" Sa susunod ay magsasabi ka kay Zarnaih para hindi nag-aalala sayo ang kapatid mo." Sabi nang ginoo sakanyang anak.
" This is for you." At inabot ni Wilson ang isang paper bag na may lamang damit kay Zarnaih.
" Ano to?" Tanong ng babae sa kanya. Sa harap nang mga magulang nila.
" Damit. "
" Maaayos naman ang damit ko. "
" Anak tanggapin mo na lang." Sabi nang kanyang ina kay Zarnaih kaya tinanggap na lamang iyon ni Zarnaih kahit labag pa sakanyang loob.
Habang kumakain sila nang hapunan ay tahimik lamang ang bawat isa. Walang gustong magsalita. Si Zarnaih ay ayaw din magsabi ng kung ano dahil masisiraan lamang ang hapunan.
" Tita pwede ko po bang isama bukas si Zarnaih?"
" Saan naman Hijo?" Nakangiting tanong ni Ziana sa anak ng kanyang asawa. Hindi alam na wala itong ginawa kundi pahirapan lamang ang kanyang anak at iyon na naman ang balak nitong gawin.
" Maggagala lang po. "
" Mommy dito na lang ako. " Sabi ni Zarnaih.
" ano ka ba anak. Gusto kong makasama ni Wilson. Okay lang naman sa akin Hijo." Ngiting sabi ng ina ni Zarnaih kay Wilson.
Kaya napangiti na lang din si Wilson.
Nang matapos kumain ay magliligpit na sana si Zarnaih pero pinigilan ito nang kanyang Tito Tony.
" Ang mga kasambahay na dapat ang gumawa niyan Hija. " Sabi nito.
" Dad is right. Trabaho na yan ng mga maid." pag-sang ayon pa ni Wilson.
Akmang may sasabihin ang maid pero pinigilan ito ni Zarnaih at sinabi na tumahimik na lang baka dito pa kasi magalit si Wilson.
" Umakyat ka na anak. Kaya na nila iyan." Sabi naman ng ina ni Zarnaih.
Si Wilson naman ay matutulog na sana nang tumawag ang kanyang nobya na si Angelie. Matagal niya na itong nobya. At bukas ay date nila kung saan isasama niya si Zarnaih para maging alalay lamang.
" Babe. Nawawalan ka na nang time sakin." Paglalambing ng kanyang nobya.
" Naging busy lang ako." Sagot niya sa babae.
" Is it true na sa inyo na nakatira na ang bagong asawa ni Tito Tony at ang anak nito? Can I mee them?"
" Shut up Angelie." Dahil sa sinabi nang nobya ay kaagad na nawala ang kaninang magandang mood ni Wilson.
" I'm sorry babe. Ayaw mo ba na maging masaya ulit ang daddy mo? " Tanong pa nang babae.
" Bukas na lang tayo mag-usap. Im tired gusto ko nang magpahinga. "
" Okay babe. I love you."
Hindi na siya tumugon sa pag I love you too nito dahil wala na talaga sa mood si Wilson.
Samantala sa kabilang kwarto ay hindi na naman makatulog si Zarnaih dahil iniisip niya kung saan siya isasama ni Wilson bukas. Ayaw niyang sumama sa lalaki pero nakapagsabi na ito sakanyang ina at siya ang lalabas na masama kapag hindi siya sumama.
Ayaw niyang magalit sakanya ang kanyang ina.
Ipinikit ni Zarnaih ang kanyang mga mata pero ang pumapasok sa isip niya ay ang mga masasakit na salita na binitawan ni Wilson sakanya at sakanyang ina. Na mga mukha raw silang pera.
Gusto niyang sabihin iyon sa ina niya pero ayaw naman niyang masaktan ang damdamin nito kaya pinipili niya na lang ang tumahimik at sarilihin ang lahat. Soon naman ay matatanggap din sila ni Wilson sa ayaw nito at gusto. At umaasa siya na mabilis at agad na darating ang araw na iyon.
Kahit hindi siya inaantok ay pinilit niyang matulog. Kailangan niya nang energy dahil sigurado siya na makikipagtalo na naman siya kay Wilson bukas. At baka kung ano na namang kasamaan ng ugali ang ipakita ni Wilson sakanya.