CHAPTER 4

744 Words
Kinabukasan ay maagang nagising sj Zarnaih umaasa na hindi niya maaabutan si Wilson pero maaga din palang gumising ang lalaki at nasa kusina ito. Medyo nagulat pa nga siya nang makita ito dahil hindi agad nito binuksan ang ilaw kaya pagbukas niya ay nagulat siya. " Himala na maaga kang nagising." Sabi nang lalaki na para bang close sila at ng hindi niya ito pinansin ay bigla na lamang hinablot ang kanyang braso para matuon ang atensyon niya rito. Ang hilig hilig talagang manakit. " Kapag kinakausap kita wag kang bastos. " " Sini ba sa atin amg bastos? Hindi bat ikaw? Bastos ka na nga ang sama pa nang ugali mo. Ang kapal kapal ng mukha mo na pag-isipan kami ng mommy ko nang kung ano. Kung ayaw mo sa amin. Bakit hindi mo sabihin sa daddy mo para paalisin kami hindi yung dinadaan mo sa kung ano ano! " Galit niyang sigaw sa lalaki. Saka ito tinalikuran. Hindi siya pwedeng magpaapi. Oo nga hindi iyon sakanilang bahay pero ilalaban niya ang karapatan nila na itrato ng tama. Maya maya pa ay nagising na ang kanyang ina at Tito Tony. Sinasama siya nang mga ito sa agahan pero ipinasabi niya sa mga katulong na tapos na siya at umuna na. Kaya hindi na siya pinilit pa nang mga ito. Samantalang si Wilson at nag-iinit ang ulo kay Zarnaih dahil may itinatago din palang tapang ang babae. Hindi ba talaga ito marunong matakot? Kahit sakanya? Hindi ito matatakot. " Yung plano mo na paggagala niyo ni Zarnaih tuloy ba?" Tanong kay Wilson ng ina ni Zarnaih. " Tuloy po sana kaso mukhang ayaw na po nang anak niyo." Sagot niya sa ginang. " Ganun ba Hijo? Kakausapin ko na lamang ang anak ko." Kaagad na napangiti si Wilson. Mabuti talaga ang tingin ng ginang sakanya. Walang kaalam alam kung paano niya pagsalitaan ng masama ang anak nito. Nakahiga si Zarnaih at nanonood sakanyang cellphone nang may kumatok. " Zarnaih anak. Buksan mo itong pinto." Boses iyon ng kanyang mommy. Kaya wala siyang choice kundi ang harapin ito. Kung hindi ay magkakagalit sila nang kanyang ina. " Bakit hindi ka na sasama kay Wilson? Mukha gusto niya naman na magkasundo kayo. Please anak wag mo naman pairalin ang katigasan ng ulo mo." Sabi nang kanyang mommy. " Pero mom-" Hindi na nito pinatapos ang sasabihin niya. " Kahit para samin lang ng Daddy Tony mo. Kahit para samin lang." Saka ito umalis sakanyang kwarto. Wala nang nagawa pa si Zarnaih kundi ang magbihis dahil nga sa may pupuntahan sila ni Wilson. May ngiti sa labi ang lalaki nang bumaba siya. Mukhang kinausap pa talaga nito ang kanyang ina. Hanggang sa umalis na sila nang bahay. Pero biglang may pinuntahan silang isang bahay. May lumabas na isang magandang babae. Ang swerte naman ni Wilson na nakakuha pa ito nang magandang girlfriend at mukhang maayos sa kabila nang pangit nitong ugali. " Hi I'm. Angelie. Wilson's girlfriend. Ikaw ba ang stepsister niya?" Magiliw na bati nang babae sakanya. Hindi ito yung katulad sa mga napapanood sa palabas na masama ang ugali. Mabait ang babae. Sa paraan pa lang nang pagngiti nito. Halatang hindi nagpapanggap. " Ako nga. Ako nga pala si Zarnaih. " Pagpapakilala niya sakanyang sarili. " Nice name and you're pretty rin. Hindi na ko magtataka kung bakit nafall Inlove si Tito Tony sa mommy mo. Mukhang sa kanya ka nagmana. Ang ganda ganda mo." Papuri pa nang babae sakanya. " Salamat ikaw din ang ganda mo." Sabi niya kay Angelie. Sa isang mall sila nagpunta. Habang naglalakad lakad ay nakikipagkwentuhan si Angelie sakanya. Tinatanong pa nga sakanya nang babae kung kamusta daw si Wilson bilang kapatid pero sabi niya ay okay lang naman. Dahil ilang araw palang naman sila magkakilala ni Wilson. Hanggang sa pumunta sila sa isang shop nang mga damit. Ibinili ni Wilson si Angelie pero siya ang pinagdala nang mga paper bags. " Wilson bakit naman si Zarnaih ang pinagdala mo." " Naih na lang saka okay lang naman." Sabi niya kay Angelie at ngumiti. " No it's not okay. Tatawagan ko isa sa mga maids namin at hindi ikaw dapat magdala niyan." Dismayadong sabi ni Angelie. Kaya walang nagawa si Wilson kundi kunin sakanya ang mga paper bags. Si Angelie ay napangiti. Sabay silang naglakad at inunahan si Wilson. Ang daming kwento nang babae sakanya at wala siyang nagawa kundi makinig. Naging kaclose niya pa tuloy qng girlfriend ni Wilson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD