CHAPTER 5

780 Words
Hindi inaasagan ni Zarnaih na magiging kaibigan niya si Angelie. Buong oras na nasa mall sila ay ipinagtatanggol siya nito kay Wilson. Napakaswerte naman ni Wilson at si Angelie ang naging girlfriend nito. Sa pag-uwi ay sila na lamang si Wilson ang magkasama dahil si Angelie ay sumundo na driver. Ayaw pa nga na malayo nang babae sakanya ngunit kailangan na ito nang mga magulang para sa isang dinner kaya napilitan na itong umalis at sumama sa driver nito. Kaya buong byahe ay tahimik si Zarnaih. Nang makarating sila sa bahay ay kaagad siyang bumaba nang sasakyan upang makapasok na sa loob ng mansyon. Pero kaagad din na sumunod si Wilson sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang braso. Pero napatigil din ito nang makita ang visita na kanina pa pala naghihintay sakanya. Si Jeff ang kanyang kaibigan. Kapitbahay lang din nila ito dati ngunit higit na may kaya sakanila. " Paano mo nalaman na dito na kami nakatira?" Masaya niyang tanong sa lalaki. Mabilis niya kasing natanggal ang pagkakahawak ni Wilson sakanya. " Tinawagan ni mommy si Tita Ziana at sinabi na nandito na kayo." Sagot ni Jeff. Kaagad na niyakap ni Zarnaih ang kanyang kaibigan. Samantalang si Wilson ay halos mandiri na sa isang tabi. " Sino siya Naih?" Tanong ni Jeff habang nakatingin kay Wilson. " Stebrother ko. " Sagot ni Zarnaih sakanyang kaibigan. " Hi ako -" Hindi na nito natuloy ang pagpapakilala kay Wilson dahil bigla na lamang umalis ang bastos niyang stepbrother. Talagang hindi marunong gumalang. " Hayaan mo ba yon. Attitude lang talaga. " " Bigtime kaya ang stepbrother mo. Sa pagkakaalam ko ay may sarili siyang kompanya." Namamanghang sabi ni Jeff. " Masama naman ang ugali." Pabulong na sabi ni Zarnaih. " Huh may sinasabi ka ba?" Umiling na lamang siya dahil baka kung saan pa mauwi ang usapan nila ni Jeff. Samantalang si Wilson ay gustong paalisin ang bisita ni Zarnaih. Makaalis lang talaga ang lalaking yon ay makakatikim si Naih sakanya. Nagmukha siyang masama sa girlfriend niya dahil kay Zarnaih. Masyado kasi itong pabida. Oo ngat idea niya na isama ito para pahirapan hindi iyong siya ang mahirapan. Hindi tagumpay ang plano niya. Maya maya ay umalis na ang bisita ni Zarnaih kaya muli siyang bumaba. Nakangiti pa ang babae na talaga namang kinainis niya. " Ganon pala ang mga plano tipo mong lalaki ka pantay mo." Sabi niya sa babae. " Ano na naman bang problema mo? Kung kanina hindi mo ko sinama edi walang epal sa inyo nang girlfriend mo. Wala kang pakialam kung dinalaw man ako nang kaibigan ko." " Wala ka ring karapatan na makipaglandian dito sa bahay ng dad ko." Sabi ni Wilson sakanya. " Hindi ako nakikipaglandian kaibigan ko lang si Jeff. Pero ikaw ang malas ni Angelie dahil ikaw ang boyfriend niya. Kung siya anghel ikaw demonyo ka. " Balik naman ni Zarnaih. " Demonyo ko? Maybe only to you. Dahil gusto kong umalis na ikaw at ang mommy mo dito. " " Mahal na mahal nang dad mo ang mommy ko. Hindi mo ba kayang maging masaya para sakanila? " " Hindi! Kaya habang ang mommy mo nagpapakasaya ikaw naman ang magdurusa. " Galit na sabi ni Wilson. Maya maya pa ay umuwi na ang ina ni Zarnaih at ang kanyang Tito Tony. Masaya ang dalawa dahil sa kumain sa labas. Samantalang siya ay gusto nang magsumbong sakanyang ina pero baka hindi lang siya paniwalaan at ayaw niya naman magkagalit si Wilson at ang ama nito. " Zarnaih Hija gusto mo ba ulit nang magkatrabaho?" Sabi sakin ng mommy mo ay nagresign ka sa dati mong trabaho dahil dito na kayo titira. Gusto niya para makalayo siya kay Wilson pero biglang nagsuggest si Wilson. " Dad she can work in my company. Nangangailangan ako ngayon ng secretary dahil yung dati kong secretary ay nagresign." Sabi ni Wilson sa ama. " Hija gusto mo bang maging secretary ni Wilson? Sure naman ako na wala masyadong ipapagawa ang kapatid mo sayo. " " Ibang trabaho na lang po Tito. Wala po akong alam sa mga ganon. " Pagsisinunging ni Zarnaih pero binuko siya nang kanyang ina. " Anak may kinalamam doon ang tinapos mo. Hindi naman pwedeng nandito ka lang palagi. Kailangan mo ring makisalmuha ulit sa mga tao. Alam ko naman na gagabayan ka ni Wilson. " Suhestiyon ng kanyang ina. Kaya si Wilson ay napangiti. Dahil no choice na siya. Pakiramdam niya tuloy nilagay niya sa peligro ang buhay niya. Baka kung ano lang ang ipagawa ni Wilson sakanya. " Don't worry Tita. Hindi ko naman po pababayaan si Zarnaih. I'll guide her. Para saan pa na naging stepsis ko siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD