" Wait diba siya yung stepsister ni Sir Wilson. Ang ganda niya pala. Tapos parang mabait din masarap maging kaclose." Rinig na rinig ni Zarnaih ang mga bulungan ng empleyado habang nakatingin sakanya. Si Wilson na nasa kayang unahan ay napapailing iling na lang.
" Bakit ba gusto mo na dito ako magtrabaho? "
" Why huh? Dahil pagdito mahihirapan ka. Kapag kasi si dad ang nagbigay ng trabaho sayo siguradong magbubuhay prinsesa ka pa rin. Yung hindi ka mapapagod. Maganda yung mahihirapan ka para worth it naman ang ibabayad sayo. " Mapang insultong sabi ni Wilson sakanya.
" Gagawin ko lang ang trabaho nang isang secretary at kapag alam kong hindi na tama ay hindi ko gagawin. " Palaban niyang sabi kay Wilson.
Maya maya ay inutusan siya nito na ipagtimpla ito nang kape. Ang coffee maker ay nasa may labas pa. Kaya kinailangan niyang lumabas ng opisina nito. Panay nga ang bati nang mga empleyado sakanya. Natutuwa at ang iba ay nagagandahan.
" Ay ma'am ako na po ang gagawa niyan." Sabi nang isang empleyado na babae sakanya.
" Hindi wag na. Ako na. Kaya ko naman at isa pa ito ang trabaho ko dito. Baka mamaya ay magalit pa sa inyo si Wilson."
" Bakit Ma'am may problema po ba kayong dalawa bilang magstepsis at step bro."
Tumawa na lamang nang konti si Zarnaih baka mamaya kasi ay kung ano pa ang masabi niya.
Hanggang sa naging ayos na ang kape. Dinala niya na ito kay Wilson.
" What took you so long? Simpleng pagtitimpla lang ng kape? Sayang talaga ang ibabayad sayo. " Sabi sakanya nang lalaki.
Nagtimpi na lamang siya dahil boss niya pa rin ito at isa pa nasa trabaho sila. Bawal ang mag eskandalo.
" Don't be too talkative baka mamaya ay kung ano pa ang maikuwento mo sa mga empleyado ko at puro mga paninira sa akin. " Galit na sabi nang lalaki sakanya.
" Hindi naman siguro kumausap ng tao."
" Yes it's not. Hindi na masama. Pero pag ikaw masama."
Habang pinapanood ni Wilson si Zarnaih na nahihirapan sa pag-aayos ng mga papeles ay natutuwa siya. Natutuwa siyang nakikitang nahihirapan ang kanyang stepsister. Deserve naman nito. At hindi siya nakakaramdam nang kahit ano. Hindi siya nakokonsensiya.
Ngunit dahil sa sinadya niyang pangyayari nang dumaan siya at may dalang ay natapon ang kape sa mga papel at kailangan ulitin ang mga yon at walang ibang gagawa noon kundi si Zarnaih. Wala naman itong magagawa kundi ang sumunod na lamang sakanya dahil nasa trabaho sila.
Sa paggagawa noon ay inutusan ni Wilson ang mga empleyado niya na miski ay walang dapat na tumulong may Zarnaih dahil kung susuwayin siya nang mga ito ay mawawalan sila nang trabaho. Mabilis naman siyang sinunod nang kanyang mga empleyado at hindi tinulungan ang kanyang stepsister.
Pagod na pagod na si Zarnaih sa kakatype sa mga papel na nabasa. Hindi pa siya nagmemeryenda. Pero trabaho niya naman iyon kaya dapat niyang gawin. Ngunit napapagod na talaga siya. Kaya naisipan niya munang magpahinga.
Pero agad siyang hinanap ni Wilson at tinonang kung tapos na ang pinapagawa nito.
" Kanina ka pa hindi ka pa rin tapos?!" Galit na tanong ni Wilson sakanya.
" Hindi naman kasi madali. At nagpahinga muna ako." Sagot niya.
" Dapat ay tinapos mo muna bago ka kumain o nagpahinga. Palibhasa ay anak ka nang asawa nang daddy ko ay ganto ka na. "
" So kasalanan ko pa? Halata naman na sinadya mong tapunan yung mga papel kanina parq ulitin ko at mahirapan ako. Tapos ngayon ano pinapahiya mo ko sakanila? Napakasama nang ugali mo! " Hindi na napigilan ni Zarnaih ang maiyak dahil sa sobrang galit ay napaluha na siya.
Hanggang sa napawalk na siya doon. Gulat na gulat ang mga empleyado sakanilang nasaksihan.
Samantalang si Wilson ay napapangiti dahil sa napaiyak niya si Zarnaih. Lingid sakanyang kaalaman na nasa loob ito nang C. R at iyak ng iyak na halos hindi na makahinga. Bata pa ay ganon na si Zarnaih. Sa tuwing napapagalitan at nasisigawan nga siya nang kanyang ina ay nagkakaganon siya.
Gustong gusto niya nang sabihin sa kanyang mommy na iwanan at umalis na lang sila sa mansyon na yon pero ayaw niya naman na sirain ang kasiyahan nito. Kapag nagsabi naman siya na aalis siya at babalik sa dati nilang tirahan ay hindi siya papayagan.
Pilit na pinakalma ni Zarnaih ang sarili. Ang inalala niya ay yung mga times na buhay pa ang kanyang daddy at masaya sila kasama ang kanyang mommy. Mabait naman ang kanyang Tito kaya deserve din nito ang mommy niya pero si Wilson. Si Wilson ang masama ang ugali. Ang mayroong malademonyong ugali.