Nauna nang umuwi si Zarnaih. Hindi niya na hinintay pa si Wilson. Pero pag-usip niya sa mansyon ay nandoon si Angelie at tumutulong sa mga maids na magluto. Napakabuti talaga nang babae. Gusto daw nitong surpresahin si Wilson. Napakasweet na girlfriend sa boyfriend nito na parang hindi naman deserve ni Wilson dahil napakasama nang ugali nito.
" Naih!" Masayang masaya ito nang makita siya. Sa katunayan ay tumakbo pa ito papunta sakanya at saka siya mahigpit na niyakap. Friends na nga pala silang dalawa at magaan na ang loob sa isa't isa.
" Sabi sakin ng mga maids na company ka na ni Wilson nagwowork bilang secretary. Bakit hindi kayo sabay na umuwi? Bakit nauna ka?" Takang tanong ni Angelie. Medyo nakakunot pa ang noo nito.
" Ah ano lang kasi medyo nahihilo ako kaya umuwi na agad ako." Pagdadahilan niya sa babae pero sa totoo lang ay hindi niya na talaga matagalan si Wilson. Baka kasi kapag nanatili lang siya sa mansyon ay baka kung anong pa ang gawing pamamahiya ni Wilson sakanya.
" Pero bakit ganyan ang mga mata mo. Umiyak ka ba? "
" Ah hindi napuwing lang ako kanina." Pagdadahilan niya.
" Are you sure? Kung may problema ka ay pwede mo naman akong sabihan. Friends na tayo diba?" Nakangiti pa nitong tanong.
" Ha oo naman magkaibigan na tayo. Akyat na muna ako. Medyo napagod lang." Paalam niya.
Pumayag naman si Angelie pero sabi ay bumaba din siya mamaya dahil sabay sabay silang magdidinner. Ang kanyang mommy kasi at Tito Tony ay late nang makakauwi.
Samantalang si Wilson ay bwisit na bwisit dahil nilayasan siya nang kanyang sekretarya. Bigla na lamang itong mawala. Tamad talaga. Hindi man tinapos ang trabaho.
Ngunit pinilit niyang kumalma nang makita si Angelie. Lumapit sakanya ang babae at hinalikan siya sakanyang labi pero saglit lang.
" Nagpatulong ako kanila Manang para sa dinner natin. Isama din natin si Naih." Masayang sabi ni Angelie.
Kahit na alam ng mga maids ang kasamaang pinaggagawa ni Wilson kay Zarnaih ay hindi nila sinabi iyon kay Angelie baka kasi mawalan lang sila nang trabaho.
" Kanina ka pa dito? " Tanong ni Wilson sakanyang nobya.
" Yes. Nagtaka nga ako. Kasi naunang umuwi si Angelie. Sinabi kasi sakin nila Manang na siya ang new secretary mo. Pero alam mo ba na u-" Hindi na natapos ni Angelie ang sasabihin dahil biglang bumaba si Zarnaih. Nakabihis ito at mukhang may pupuntahan. Kaya ang noo ni Wilson ay kaagad na kumunot. Saan naman pupunta ang babae eh gabi na? Gabi pa talaga ito lalandi.
" Naih san ka pupunta?" Tanong ni Angelie.
" Ah magkikita lang kami nang kaibigan ko." Sagot ni Zarnaih.
" You can't go." Hindi pagpayag ni Wilson.
" Sige Angelie alis na ako.," Paalam pa ni Zarnaih.
Akmang hahabulin ni Wilson si Zarnaih dahil ayaw paalisin pero pinigilan ito ni Angelie.
" Ayaw mo bang maging masaya ang stepsister mo? Hayaan mo si Naih sa gusto niya. She said naman na makikipagkita lang siya sa friend niya. You're so harsh to her."
Hindi naman nakasagot si Wilson. Yari talaga sakanya ang babae pag-uwi nito mamaya.
Samantalang si Zarnaih ay pumunta sa coffee shop na sinabi ni Jeff sakanya. Nang makita niya ang kaibigan ay kaagad niya itong niyakap dahil sa sobrang kalungkutan na nararamdaman.
" Wag mo naman masyadong ipahalata na na masyado mo akong namiss." Pagbibiro ni Jeff sakanya.
" Kapal mo." Natatawa niyang sa kaibigan.
" Buti pinayagan ka nang stepbrother mo." Sabi pa ni Jeff.
" Stepbrother ko lang yon. Gagawin ko kung ano ang gusto ko. Saka sayo lang naman ako makikipagkita. " Paliwanag naman niya kay Jeff.
" Mabuti naman kung ganon. Mukha kasing masama ng ugali nang stepbrother mong yon. Nag-aalala nga ako para sayo."
" Ikaw na mag order. " Pag iiba niya sa usapan.
" So kamusta ka naman don so far? "
" Okay lang ako. Okay na ko basta nakikita king masaya si mommy kay Tito Tony. " Sagot nuya sa kaibigan. Napatango tango naman si Jeff.
" Gusto kong lagi kang masaya Naih. Dahil kapag nalungkot ka grabeng grabe. Kaya nga hindi ko kaya nakikita kang umiiyak. Kasi nahihirapan ka talaga. "