CHAPTER 8

882 Words
Naging mahaba ang pagkukwentuhan ni Zarnaih at ni Jeff kaya medyo ginabi siya nang umuwi. Mabuti nga at may taxi pa siyang nasakyan at nakauwi pa nang maayos pero worth it naman lahat dahil nakasama niya ang kanyang matalik na kaibigan ay kahit papaano ay gumaan ang kanyang loob. Buong akala niya ay pagpasok niya nang maayos ay maayos na ang lahat at magkakaroon na siya nang peace of mind pero bigla na lamang may humila sa kanya at dahil kaunti lang ang ilaw na nakabukas ay hindi niya nakita kung sino. Hanggang sa nakita niya si Jeff sakanyang harapan. Ipinasok siya nito sa isang kwarto. Binuksan kasi nito ang ilaw. Nakikita niya sa mga mata nang lalaki ang galit at talagang pagkamuhi sa kanya. Hindi naman siya makalabas ng silid dahil nakaharang ito sa pintuan. " Matutulog na ko. Kaya pwede bang tumabi ka." Utos niya sa lalaki. Pero ayaw nitong sumunod. Nagulat na lamang siya nang bigla nitong hawakan ng madiin ang braso niya. " Gabi ka pa talaga nakikipaglandian sa kaibigan mong iyon. Anong ginawa niyo ha? Hindi ka lang pala mukhang pera. Malandi din." Mapang insultong sabi ni Wilson kay Zarnaih. " Hindi ako malandi. Kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako nang ganyan. Saka ano bang pakialam mo? Bawal na ba kong makipagkaibigan? " " May pakialam ako dahil dito ka nakatira at ayaw ko na dinadala mo yang kalandian mo dito. Paano na lang kaya kapag nalaman nang daddy ko kung anong klaseng babae ang anak ng bago niyang asawa. " May kasama pa iyong tawa. Pilit niyang binabawi ang braso niya pero may diniin nang lalaki ang pagkakahawak. Ayaw soyang pakawalan. " Nasasaktan ako. " " Talagang masasaktan ka sakin at iyon ang gusto kong mangyari ang masaktan ka. " Sabi pa nang lalaki at muling natawa. Mukhang lasing ito kaya mas lalong naging bayolente. " Manang tulungan niyo ako!" Sigaw ni Zarnaih. Pero tulog na si Manang at ang ibang mga maids. Ang kanyang mommy at Tito Tony naman ay wala pa. Kaya sila na lang ni Wilson ang gising. Nakaramdam na siya nang sobrang takot sa mga oras na yon. Hindi alam ang gagawin. " Pwede ba palabasin mo na lang ako dito hindi naman kita isusumbong kay Tito Tony." Halos maiyak niya nang sabi. " Not until you learn your lesson. Sabi ko kanina ay wag kang umalis pero umalis ka pa rin." Bigla na lamang itong lumabas ng silid at inilock siya sa loob. Nagulat na lamang si Zarnaih nang biglang mamatay ang ilaw. Eh takot na takot pa naman siya sa dilim. " Please Wilson. Buksan mo ang ilaw. Palabasin mo ako dito! " Pero hindi siya pinakinggan ng lalaki at tuluyang iniwan doon. Dahil ito ay matutulog na. Kinabukasan ay nakarinig ang isa sa mga maid nang pag-iyak. At galing iyon sa bodega sa mansyon. Gulat na gulat na lang sila nang makita doon si Zarnaih na nakayakap sa sarili at umiiyak ito. Saka lang naman dumating ang ina nito at ang ama ni Wilson. Awang awa si Ziana sakanyang anak nang makita ito na ganoon. Takot na takot si Zarnaih sa dilim. " Anak. Naih. Naih si mommy ito." Pagkausap ni Ziana sa kanyang anak. Pero hindi man ito makapagsalita nang maayos at niyakap lamang siya. " Anong nangyari? Bakit ganito?" Tanong ni Ziana sa mga katulong. Samantalang si Tony ay alam na ang posibleng may gawan noon. Walang iba kundi ang kanyang anak. Kaya umakyat siya upang puntahan ang anak na si Wilson sa kwarto nito. " What did you f*cking do? " Galit na tanong ni Tony sa anak. " What are you talking about dad?" maang maangan pa na sabi ni Wilson. " Bakit mo kinulong si Zarnaih sa bodega?" " It's a punishment dad. Lumabas siya kagabi at anong oras na siya nakabalik. Nag-alala ako. " " Malaki na kayo ni Zarnaih.matatanda na. Kaya bakit kailangan mo pang gawin yon." " Ikaw na rin ang nagsabi dad. Malalaki na kami at matatanda na. Kaya bakit siya matatakot sa loob ng isang bodega. Kahit pa sabihin na walang ilaw. Nagagawa niya ngang lumabas ng gabi kahit ba delikado. " " takot sa dilim si Zarnaih! Isa yon sa mga phobia niya kaya ngayon ay takot na takot siya. Kung hindi mo alam ngayon alam mo na. What kind of people are you? " Galit na sabi ni Tony sa anak. Hindi naman nakapagsalita si Wilson. Si Zarnaih ay nahimasmasan na. " Anak ano ba ang nangyari? " Tanong ni Ziana sa anak. Pero hindi sumagot si Zarnaih dahil napatingin ito kay Wilson na pababa nang hagdan. " Wala naman mommy pumasok lang ako sa kwarto kasi doon daw nakalagay yung mga gamit eh may aayusin ako sa kwarto ko tapos hindi ata alam ng mga maids na nandoon pa ko kaya nalock nila." Nagawa niyang magsinungaling dahil pagnagsabi siya nang totoo ay magagalit ang mommy niya kay Wilson at pati na rin sakanyang Tito Tony. " Anak naman kasi palagi kang hindi nag-iingat." Sabi ni Ziana sa anak at niyakap ito. Samantalang si Tony tumingin sa anak na si Wilson. Gusto niyang humingi nang tawad ang anak niya kay Zarnaih. Sadyang kaybuti ni Zarnaih at ayaw silang masira. Baka kasi magalit sakanya ni Ziana pagnagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD