Dahil sa takot na baka kung ano na naman ang gawin sakanya ni Wilson ay lumalayo na si Zarnaih sa lalaki. Sinabi niya rin sakanyang Tito Tony na ayaw niya nang magtrabaho. Okay na sjya dun sa nasa loob siya nang mansyon at tutulong na lang sa mga maids. Saka palagi siyang dinadalaw ni Jeff at nagbobonding silang dalawa. Wala naman kasing masama doon dahil kaibigan naman niya si Jeff. Ito at matalik niyang kaibigan at mapagkakatiwalaan.
Hanggang sa abala sila ni Jeff sa pagkukwentuhan ng bigla na lamang dumating si Wilson at si Angelie na girlfriend nito. Hindi niya magawang tignan si Wilson. Natatakot siya. Hindi pa nga ito humihingi nang tawad sakanya pero hindi na siya umaasa gagawin nito iyon at hihingi nang tawad. Para lang siyang umaasa sa wala.
" Ah sige Jeff uwi ka na muna. Next time ka na ka na lang ulit dumalaw." Pagpapaalis ni Zarnaih sa kaibigan niya baka kasi kung ano na naman ang gawin ni Wilson at magalit ito naka may madamay pa.
" Bakit mo naman pinapaalis agad ang friend mo Naih. Pwede naman na kami na lang ni Wilson ang mag adjust. We'll stay upstairs na lang. Dito kayo sa baba." Nakangiting sabi ni Angelie.
" Yon naman pala Naih. Marami pa kong ikukwento sayo." Natutuwang sabi ni Jeff. Gusto niya kasing kwentuhan ng madami si Zarnaih. Siguradong namimiss na nito ang mga bonding nila noon. Yung masasaya nilang bonding at puro tawa lamang.
" Wilson san ka pupunta? " Nagtataka si Angelie dahil kakapunta palang nila nj Wilson sa kwarto nito tapos bababa na naman ang lalaki. Sa totoo lang ay naiinis siya. Saan ba kasi ito pupunta? Bakit bababa? Guguluhin ang stepsister nitong si Naih.
" Baka kung ano nang ginagawa nang dalawang yon." sagot ni Wilson sakanya na ikinakunot naman ng kanyang noo. Ano daw? Wala ba itong tiwala sa kapatid nito?minsan talaga ay hindi niya maintindihan ang kanyang nobyo at ang kagaspangan ng ugali nito.
" I just want to know what they their doing Angelie. " Muli ay sabi ni Wilson. Pero bago pa ito makalabas ay hinawakan niya ang braso nang lalaki.
" Hindi sila makakagawa nang kung ano dahil may mga maids sa paligid. Wag masyadong madumi iyang utak mo. I thinks her friend is good naman." Pero sa kabila nang kanyang sinabi ay iniwanan pa rin siya ni Wilson sa kwarto nito.
Nang makababa si Wilson ay naabutan niyang nagtatawanan pa si Zarnaih at ang kaibigan nito pero ang kaninang ngiti sa labi ni Zarnaih ay kaagad na nawala nang magtama ang mga mata nila.
" Baka gusto niyo lang naman ng meryenda. Magpapahanda ako sa mga maids." Nagtataka si Zarnaih kung bakit biglang bumait si Wilson pero hindi na siya dapat pang magtiwala sa lalaki at maniwala dahil baka kung ano na naman ang gawin nito at baka sa susunod ay ikamatay niya na.
" Salamat pare. Pero hindi naman kami gutom ni Naih at iniimbita nga pala siya nang mommy ko sa bahay for lunch. Ipinagpaalam ko din sayo kahit nakapagpaalam na ko kay Tita Ziana." Kaswal na sabi ni Jeff kay Wilson.
" Pumayag ba si Tita?" Tanong ni Wilson.
" Pumayag ang mommy ko. Kaya doon ako maglalunch kanila Jeff mamaya. " Hindi makatingin si Zarnaih kay Wilson.
Maya maya pa ay bumaba si Angelie.
" Naih pagpasensyahan mo na tong stepbrother mo masyadong over protective pagdating sayo." Natatawang sabi ni Angelie. Anong overprotective doon. Kung ikukwento niya lang kung paano siya kinulang ni Wilson sa bodega siguradong magugulat ito.
" Hindi na naman kailangan dahil kaya ko naman ang sarili ko. Wag niyo din kaming masyadong pinagpapansin baka nakakagulo lang kami sa inyo." Sabi ni Naih.
" Babe doon na tayo sa taas." Pag-aaya nj Angelie kay Wilson. Sumama na naman si Wilson sa nobya paakyat. Kaya nakahinga na nang maluwag si Naih.
" Pansin ko na hindi ka komportable kapag malapit ang stepbrother mo. Tell me nga Naih. May ginagawa ba siyang kalokohan sayo? Bullying you or what?" Pagtatanong na ni Jeff.
" Huh? Wala. Di lang talaga kami close na dalawa."
" Bakit hindi? Siguro ay siya ang problema sayo kasi ay wala naman dahil ang bait bait mo pa nga. "
Natawa na lang si Zarnaih sa sinabi ni Jeff.
" Wag ka masyado maingay baka marinig tayo."
" Eh ano? Nagsasabi lang naman ako nang totoo. " Grabe talaga ang kaibigan niyang ito masyadong straight to the point.
" Ano kayang lulutuin ni Tita mamaya? "
" Edi ano pa yung mga paborito mo daw. Tuwang tuwa kaya ang mommy ko sayo. " Natatawang sabi ni Jeff. Namimiss niya na talaga ang mommy ni Jeffery na friend din ng mommy niya. Parang anak na din kasi ang turing ng ginang sakanya.