" Kamusta ka naman don sa inyo? " Pagtatanong kay Zarnaih ng kanyang Tita Jhen. Ang mommy ni Jeff. Kaibigan niya ito nang kanyang ina. Kaya halos kilalang kilala na rin siya nito.
" Okay lang naman ako doon Tita. Ang bait bait ng asawa ni mommy sa akin." Ngiti niyang sagot at muling sumagot. Ang daddy ni Jeff ay tahimik lang at nakikinig lamang sa usapan.
" Are you sure? May naikwento kasi itong si Jeffrey sa akin na hindi ganon kabait ang stepbrother mo. " Muntik nang mabilaukan si Zarnaih dahil sa sinabi nang ginang. Kahit kailan talaga ay ang daldal ni Jeff.
" Ang sarap po pala nang luto niyo Tito. Wala pa ring pagbabago. " Pagbabago niya sa usapan para maiba na ang topic at baka kung ano ano pa ang itanong sakanya nang mommy ni Jeffrey.
" Basta kung may problema ka ay wag na wag kang mahihiyang magsabi sa amin. Alam mo naman na parang anak na rin ang turing ko sayo." Ngiting sabi nang kanyang Tita Jhen. Kaya ngumiti na lamang din si Zarnaih.
Nang pauwi na siya ay gusto pa sana siyang ihatid ni Jeff pero sinabi niya na magtataxi na lamang siya. Medyo maaga pa naman kaya nakakasigurado siya na hindi siya mapapahamak.
Naging maayos naman ang byahe ni Zarnaih at ligtas siyang nakauwi. Nang makapasok siya sa mansyon ay nandoon na ang kanyang mommy at Tito Tony. Halatang hinihintay siya nang mga ito. Habang si Wilson ay nakatayo lamang sa isang katabi. Mukhang alam niya ang mangyayari.
" Saan ka nanggaling Zarnaih?" Halatang galit ang mommy niya dahil tinawag siya sa buong pangalan niya dahil ang usual na itinatawag nito sakanya ay Naih. Pero ano namang ginawa niya? O baka may maling sumbong si Wilson.
" Kanila Jeff lang mommy. Niyayaya ako ni Tita Jhen ng dinner. " Sagot ni Zarnaih sa kanyang ina. Sinubukan niyang makipagbeso dito pero iniiwas nito ang mukha. Galit nga sakanya dahil umiiwas. Pero wala naman siyang masamang ginagawa.
" Pero ngayon ka lang umuwi? Di mo ba naisip na nag-aalala kami sayo pati na si Wilson. Ganito ba ang isang responsableng babae."
Nasaktan si Naih sa sinabi nang kanyang ina pero hindi niya ipinahalata iyon.
" Oh edi mali na po ako. Late na ko umuwi. Kasalanan ko. Pero gusto ko lang naman makabonding sila Tita Jhen. Ano pong masama doon. Sige kung mali. Tatanggapin ko. Tutal simula naman nang nandito na tayo ay palagi na lang akong mali." Hindi na napigilan ni Zarnaih na maglabas ng kanyang sama nang loob.
Umalis siya sa harapan ng mga ito at umakyat na.
Tinignan ni Tony ang kanyang anak na si Wilson. Siguradong kung ano ano ang pinagsasabi nito sakanyang asawa. Para mag-away ang mag-ina. Kitang kita niya pa kung paano napangiti ang kanyang anak.
" Maybe bad influence ang lalaking yon sakanya Tita. Kita niyo naman po kung paano kayo sagot sagutin ni Zarnaih. Mukhang hindi nakakabuti ang Jeff na yon sakanya." Pansusulsol pa ni Wilson para lalong magtalo ang mag-ina.
" Umakyat ka muna Wilson at iwanan mo muna kami nang mommy Ziana mo. " Utos kay Wilson nang kanyang ama. Para siyang masusuka din sa sinabi nitong mommy.
Dahil magkatabi lang sila nang kwarto ni Zarnaih ay rinig niya ang paghikbi nang babae. Mukhang umiiyak ito. Gustong gusto niyang naririnig na umiiyak ito. Para yayain na nito ang ina na umalis sa mansyon.
Maya maya pa ay pinatawag si Wilson ng kanyang ama.
" Hindi mo na talaga alam ang ginagawa mo. Bakit mo ginaganon ang stepsister mo? Wala ka ma ba talagang galang?" Galit nitong tanong.
"Oh come on. Tama naman ang sinabi ko sa asawa mo. Na palaging umuwi nang late ang anak niya at nakikipaglandian pa. Hindi ako ang mali dito." Pabalang na sagot ni Wilson.
" Akala mo ba hindi ko malalaman ang ginawa mong pamamahiya kay Zarnaih sa kompanya? CEO ka pero ganyan ang ugali mo. Maybe mali ako na ipinasa ko sayo agad ang kompanya. "
" Dad labas ang kompanya dito. " Galit na sabi ni Wilson.
" Isang isa pa na may gawin ka na kung ano at masaktan na naman si Zarnaih o ang damdamin niya ay mawawala na sayo ang kompanya. Ayos ayusin mo ang ugali mo Wilson. Hindi ka na bata." Sabi nang kanyang ama bago ito pumunta sa kusina para puntahan ang asawa na nagluluto.
Napakuyom na lamang siya nang kamao. May lalo tuloy lumalala ang galit niya sa mag-ina. Pati ang kompanya na nahirapan siyang maipamana sakanya ay posibleng mawala dahil sa kaartehan ng Zarnaih na yon na kung tutuusin ay dapat wala naman sakanila pati ang ina nito.