Pagkatapos ng pangyayaring iyon na napagalitan siya nang kanyang ina ay naging maayos na naman ang laht. Masaya si Zarnaih na hindi na siya ginugulo pa ni Wilson o ginagawan ng kung ano. Nagiging payapa na ang bawat araw niya sa mansyon. Pero isang gabi ay bigla na lamang itong umuwi sa mansyon nang lasing. At dahil wala nang ibang tao ay na gising ay wala siyang choice kundi ang tulungan ang lalaki dahil baka mapano pa ito.
Amoy na amoy ang alak. Bakit ba kasi ito nag-inom? Hanggang sa makarating na sila sa kwarto nito. Lalabas na sana siya nang kwarto pero hinila siya nito kaya napahiga siya sa lalaki. Narinig niya ang mahihina nitong paghikbi. Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak. Pero bakit nga ba? Wala nga itong ginawa kundi ang pahirapan siya at saktan ang damdamin niya tapos eto pa ang may ganang masaktan ang galing naman.
Nang maramdaman niya na tulog na ang lalaki ay nagpasiya na lalabas na siya nang kwarto. Pero bago siya tuluyang makalabas nang kwarto ay narinig niya ang lumabas sa bibig nang lalaki bago ito tuluyang makatulog.
" I miss you mom." Iyon ang sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pagkaawa sa lalaki kahit na hindi niya naman dapat maramdaman yon dahil kung tutuusin ay siya dapat ang maawa sakanyang sarili. Dahil hinahayaan niya na saktan at kung ano ano sabihin nito patungkol sakanya wag lang masira ang kasiyahan ng kanyang ina.
Dumiretso na si Zarnaih sakanyang kwarto at natulog na. Hindi niya na inisip pa si Wilson. Siguro namang bukas ay magiging masama na naman ang ugali nito kung ano ano na naman ang sasabihin sakanya.
Kinabukasan ay nagisinh si Zarnaih dahil sa mga katok. Oo naglolock siya nang pintuan kasi mahirap na baka kung ano pa ang mangyari sakanya kaya naglalock talaga siya. Babae pa naman siya. Hindi naman sa assuming siya pero nag-iingat lang.
" Bakit po Manang?" Kanyang tanong sa kasambahay.
" Pinapatawag po kayo nang kapatid niyo sabay na daw kayong mag almusal." Alam niya naman kung sino ang tinutukoy nito. Walang iba kundi si Wilson. Pero bakit? Bakit siya pinapatawag ng lalaki diba? Gusto siya nitong makasabay. Himala iyon. Kaya hindi siya makapaniwala.
" Pagkatapos niyo pong mag-ayos ng sarili ay bumaba na kayo." Bilin pa nang maid saka ito bumaba. Kaya wala siyang choice kundi ang sumunod.
Nang makababa na siya ay nasa hapag na nga si Wilson. At mukhang hinihintay siya. May nakahanda na ring pagkain para sakanya.
" Maagang umalis ang mommy mo at daddy ko."
" Ah ganun ba." Iyon na lamang ang naisagot niya.
" thank you sa pagtulong mo sa akin kagabi."
Nabitawan niya pa ang tinidor dahil sa sinabi nito.
" Wala yon." Sagot niya naman. Kahit puro kasamaan ang pinapakita nito sakanya ay hindi naman ganon ang kanyang igaganti.
" I'm sorry pala sa lahat ng nagawa ko. "
Hindi siya nakasagot. Doon niya naisip na tumakas na lamang sa usapan baka kasi pinepeke lang siya nito.
Dinala niya ang pagkain at akmang aakyat na pero hinawakan ni Wilson ang kanyang braso.
" Im serious Zarnaih. Humihingi ako nang tawad sa mga nagawa ko sayo. Mali pala ako. Mali ako sa pangjajudge ko sayo at sa mommy mo. Im so sorry kung medyo natagalan ko bago ko narealize yon." Sabi pa nang lalaki.
" Wala ka bang sakit or what? Baka epekto lang nang anak yan o may hang over ka pa. " Pagbibiro niya pa.
" No im not joking Im dead serious. Humihingi ako nang tawad sa lahat. "
Maya maya pa ay dumating si Angelie na may dalang breakfast. Medyo masaya pa ito nang makita silang magkayakap.
" Oh its good to know na ayos na kayong dalawa. Here may dala akong breakfast. Pwede din naman nating kainin ang mga niluto nang maids niyo." Ngiti pang sabi ni Angelie. Medyo nailang tuloy siya dahil naabutan sila nito na magkayakap.
Pero masaya siya na ayos na sila ni Wilson. Sana nga ay nagbago na ito at hindi na bumalik pa sa dating ugali. Matutuwa si Jeff kapag naikwento niya dito na ayos na sila nang stepbrother niya. Hindi na mag-aalala para sakanya ang kanyang kaibigan.
Masaya ang naging breakfast nila kasama si Angelie. Sa sandaling panahon ay nakalimutan niya ang lahat ng ginawa ni Wilson sakanya. Hindi naman kasi siya nagtatanim ng galit. Napatawad niya ang lalaki.
Iyon kasi ang turo nang daddy niya noon na wag siyang magtatanim ng sama ng loob. Ang mga payo talaga at paalala ng kanyang ama ang hinding hindi niya makakalimutan. Natandaan niya pa ang bilin nito na kapag namatay na ito ay aalagaan niya ang kanyang mommy at palaging pasasayahin. Na siya namang ginagawa niya. Kaya nga hindi siya tumutol ng magpakasal ito ulit.