Naging maayos nga ang pakikitungo ni Wilson sakanya at natutuwa naman doon si Zarnaih. Ikunuwento niya pa nga kay Jeff ang nangyaring pagbabago sakanyang stepbrother. Pero ang kaibigan niya ay hindi naniniwala na tunay na ngang nagbago ang lalaki. Maaari daw na pinagtitripan lang siya nito o may pinaplanong bago laban sakanya.
" Ang harsh mo naman. Malay mo naman kasi narealize niya na talaga ang mga pagkakamali niya at maganda nga yon atleast diba wala nang nang-aaway sakin. Hindi mo na kailangan mag-alala at hindi na rin ako makikipagtalo pa." Pagpapaliwanag ni Zarnaih sa kaibigan pero umiiling lang ito. Halatang hindi sang ayon sakanya.
Sa ngayon ay naroon sila sa bahay nito at nagkukwentuhan. Plano rin nilang manood nang movies bonding kumbaga. Wala kasi siyang kasama sa mansyon at puro mga maids lang kaya naisipan niyang pumunta sa bahay ni Jeff na ayos lang naman sa kaibigan niya at mabuti nga daw iyon dahil ganon naman talaga ang bonding nila dati.
" Etonna meryenda niyo." Sabi nang kanyang Tita Jhen. Talagang nagprepare ito nang meryenda para sa kanila kahit na pwede namang hindu na at okay lang naman na hindi kasi hindi naman siya gutumin.
" Thank you Tita." Pasasalamat niya ngumiti lamang ang ginang saka ito tumingin sa anak. Nang ikwento niya din sa kanyang Tita Jhen ang tungkol sa mabuting pagtrato nang kanyang stepbrother ay natuwa din ito.
Enjoy na enjoy na si Zarnaih sa panonood ng movie nang may magtext sakanya. Naalala niyang kinuha nga pala ni Wilson ang kanyang number para daw kapag gusto siya nitong tawagan at para kapag wala siya sa bahay ay hindi ito mag-alala.
" Bakit ka napatawag?" Pagtatanong niya sakanyang stepbrother. Siyempre kailangan niya munang malaman ang dahilan ng pagtawag nito. Hindi naman ito tatawag na wala lang at basta basta lang. Siguradong may dahilan.
" Nasan ka? Tumawag ako sa mansyon. Wala ka daw doon. " May kung ano sa boses nang lalaki pero pinigilan niya ang sarili na mag-isip pa nang kung ano. Hindi naman siguro galit sakanya ang lalaki at wala rin naman siyang ginagawang masaya kaya bakit ito magagalit diba.
" Nandito ako kanila Jeff. Nanonood kami nang movies." Sagot niya. Ilang segundo pa bago nakasagot ang lalaki sakanya. Parang hindi pa nga sure sa sasabihin nito.
" Susunduin kita diyan." Ang sabi nito na ikinabigla niya kaya napatayo niya na ikinagulat naman ni Jeff dahil sa kakaiba niyang reaksyon.
" Kaya ko naman umuwi mag-isa. Saka bakit mo ko susunduin?"
" I want to treat you.Gusto kitang ilibre." Tagalog at English pa talaga ang sagot nito.
" Baka madami kang trabaho. Saka hindi porket close na tayo ay ganyan ka na. Saka si Angelie pa baka magselos yon. " Pabiro niyang sabi.
" Ang dami mong rason. Ayaw mo ba? " Parang nagpapaawa ang boses nito.
" Oo na. Sige na. Magpapaalam na ako sa kaibigan ko. " Saka pinatay ni Zarnaih ang tawag.
" San ka pupunta? "Tanong ni Jeff nang mag ayos na siya.
" Sorry Jeff next time na lang natin ituloy ang movie marathon. Susunduin daw ako ni Wilson. " Ang kanyang naging sagot sa kaibigan. Hindi niya na ito hinintay pa na makasagot at dali daling umalis nang bahay.
" San ba kasi tayo pupunta?" Tanong ni Zarnain kay Wilson nang sunduin na siya nito.
" Sa favorite restaurant mo. " Sagot nanng lalaki at nagdrive na. Samantalang siya ay takang taka kung paano nito nalaman ang kanyang favorite restaurant.
" I ask your mom. Sinabi sakin ni Tita Zianna." Tila nababasa nang lalaki ang kanyang nasa isip at bigla na lang sinabi iyon.
Mas pinili na lamang ni Zarnaih na tumahimik baka kasi kung ano pa ang masabi niya. Hanggang sa nakarating na sila sa restaurant. Medyo maraming tao dahil sikat iyon pero di niya inaasahan na may special reservation pala si Wilson.
" Hindi mo naman kailangan gawin to. Kung bumabawi ka pwede naman na hindi na ganto." Out of nowhere ay nasabi na lamang iyon ni Zarnaih.
" Actually kulang pa to." Sagot nang lalaki. Ito na rin ang nag order para sakanila. Alam na alam din ang mga paborito niya. Mukhang inalam talaga mula sa mommy niya at ang mommy niya ay sinabi naman ang lahat.
" Ang cute niyo pong dalawa. Ilang months na po kayo? " Tanong ng waitress. Kaya napaubo na lamang si Zarnaih dahil sa kanyang narinig.
" Ate mali po kayo nang akala stepbrother ko po ang kasama ko." Pagpapaliwanag niya pa. Samantalang si Wilson ay kita niyang napapangiti habang pinapanood siya na nagpapaliwanag.
Habang kumakain sila ay pansin niyang nakatingin si Wilson sakanya. Hanggang sa pinunasan nito ang kumalat na sauce sa gilid nang kanyang labi. Kaya sa mga oras na yon ay bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ni Zarnaih pero hindi niya alam kung bakit.