Kinagabihan sa mansyon ay sabay sabay naman sila nagdinner. Takang taka nga ang mag-asawa lalo na si Tony dahil ang dating hindi nagpapansinan ngayon ay close na. Pero mas nagtataka siya sa kanyang anak. Magkagayonpaman ay masaya siya na unti unti na itong nagbabago at umaasa siya na hindi siya nito bibiguin at totoo ito sa mga pinapakita.
Kakatapos lamang nila magdinner nang biglang dumating si Angelie. Kaya tumigil muna sa pagkukuwentuhan sj Wilson at Zarnaih. Pansamantalang lumayo si Zarnaih dahil ayaw niya naman na awayin siya nang girlfriend ng kanyang stepbrother at mukhang kailangan ng dalawa nang oras para sa isa't isa. Kaya nagpaalam muna si Zarnaih na aakyat sa kwarto niya dahil may gagawin pa siya.
" Masaya ako na close na kayo ni Naih, Wilson." Natutuwang sabi ni Angelie sa kanyang boyfriend na kanina ay pagkalaki laki nang ngiti sa labi dahil si Naih ang kausap pero kaagad na nawala ang lahat dahil siya na ang kausap. Pakiramdam niya ay nanlalamig na sakanya ang kanyang loob kaya pinuntahan niya na ito.
" I'm happy too." Maikling sabi nito.
" Pwede naman akong dito matulog diba? Nagpaalam na ko kay mommy."
" What the hell are you thinking Angelie? Kababae mong tao dito ka matutulog." Pasigaw na sabi nang lalaki sakanya. Gusto niya lang naman ito makasama. Pero bakit ganoon ang naging reaksyon ni Wilson. Para bang ayaw na ayaw nito sakanya.
" I just want to be with you at girlfriend mo naman ako diba."
" Hindi ka pwede dito matulog. Ano na lamang iisipin ng magulang mo. Baka sabihin pa nila ay ako ang nagsabi sayo." Muli ay dismayadong sabi ni Wilson.
" Kung ayaw mo edi sa kwarto nalang ni Zarnaih. " Naiiyak na sabi Angelie. Dahil sa nakonsensiya ay niyakap ni Wilson ang nobya. Samantalang sa may ikalawang palapag ng bahay ay nakatingin si Zarnaih at pinapanood ang dalawa. Bakit parang hindi niya kaya makita ang ganoong senaryo.
Ang sabi niya ay sa kwarto niya na lang siya pero hindi niya mapigilan ang sumilip at alamin kung anong nangyayari. Kinakain siya nang kuryosidad. Gusto niya nga din malaman kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa.
Nang marealize niya na hindi niya pala dapat panoorin ang dalawa ay bumalik na siya sa kanyang kwarto at humiga. Matutulog na lamang siya pero kakapikit niya pa lang ay bigla namang may kumatok.
Noong binuksan niya ang pintuan ay si Angelie iyon at yumakap ito sakanya. Parang umiyak ang babae.
" Anong nangyari?"
" Gusto ko sanang matulog dito pero ayaw ni Wilson. Sabi ko ay sa kwarto mo na lang pero sa tingin ko ay wag na rin. Uuwi na lang ako." Pagkukwento nang babae sakanya.
" Bakit iniisip lang naman ni Wilson na baka kung anong isipin ng mga magulang niyo." Sabi niya sa babae para lamang pagaanin ang loob nito. Pero ang totoo ay gusto niya na itong pauwiin dahil sa parang ayaw niya rin na matulog ito sa kwarto ni Wilson. Ewan niya ba kung anong nararamdaman niya. Naweweirduhan na rin siya sa sarili.
" Baka nga. Pero thanks for comforting me. Ikaw palang talaga ang naging true friend ko kahit mga week palang tayo magkakilala. Im so lucky to have you." Parang tinatraydor niya Angelie dahil nagkakagusto na siya sa stepbrother niya sa boyfriend nito na hindi naman dapat.
" Sige I'll go home na. Thank you. " At nagpaalam ito na uuwi na.
Isasarado na sana ni Zarnaih ang kanyang kwarto nang bigla naman siyang kinausap ni Wilson.
" Gumising ka nang maaga bukas."
" Bakit?" Taka niyang tanong.
" May pupuntahan tayo."
" Saan naman? Kita mo nga nawawalan ka na nang oras sa girlfriend mo tapos ako pa ang inuuna mo."
" Bumabawi lang ako sayo. Babawi din naman ako kay Angelie. Sa ngayon ay nag oovereacting na naman siya. " Pagpapaliwanag ng lalaki.
" Sige. Gigising ako nang maaga. " Iyon na lamang ang naisagot ni Naih. Saka niya sinarado ang pintuan at napasandal na lang sa nakasaradong pinto. Ano ba itong ginagawa niya.
Kinabukasan ay maaga ngang nagising si Naih. Nang bumaba siya ay naghahanda nang breakfast si Wilson. Nagtataka pa nga siya dahil may mga maid naman bakit ito ang naghahanda.
" Baka naman hindi edible." Pagbibiro niya sa lalaki.
" Atleast try it before you judge."
Saka niya tinikman ang niluto nito. Hanggang sa napapikit na lamang siya sa sarap.
" Masarap." Medyo napapahiya niya pang sabi. Kaya ngumisi ang lalaki.
" Kanino ka nga pala natuto magluto?" Pag-uusisa niya kay Wilson.
" Sa mom ko. "
" Ah. " Napatango tango na lamang si Zarnaih. Ang alam niya kasi ay patay na ang mommy nito at baka kapag nagtanong pa siya ay baka may maopen na topic at magkaroon pa sila nang hindi pagkakaintindihan.