CHAPTER 14

837 Words
Sa isang park siya dinala ni Wilson. Para ngang magpipicnic pa sila dahil may dala dalang basket. Kung titignan ay para silang mogjowa dahil sa kanilang ayos. Paano ba naman nagkataon na pareho pa ang t shirt na suot nila at ang iba ay napapatingin na lang at yung iba ay mukhang kinikilig. Kaya napapayuko na lang siya. Bigla niya tuloy naalala noong bata pa siya na palagi silang pumupunta nang mommy at daddy niya sa park. Bumibili sila nang ice cream at sabay sabay na inuubos yon. She missed those days. Ang saya saya nila noon. " Are you okay?" Tanong ni Wilson ng bigla na lamang siya natulala. Tumango lamang siya. " May sumagi lang sa isip ko." Sagot niya sa lalaki. Napatango tango na lang din ang lalaki. Saka nito inayos ang mga gamit nila. Nang makalatag na sila ay saka siya nito pinaupo. " Mahilig ka din pala sa mga park." " Actually hindi. Sinabi lang sa akin ni Tita na gustong gusto mo daw pumunta sa mga ganto." Pag amin ni Wilson sakanya. Kaya hindi agad nakapagsalita si Zarnaih. Bakit ba palagi na lang nitong pinaparating nang lalaki na dahil sakanya. Iba na tuloy ang dating sakanya nang mga ginagawa nito. " Kailangan ba talaga alamin mo sa mommy ko ang lahat ng tungkol sakin?" Pabiro niyang sabi sa lalaki. " Gusto ko lang mas mapalapit sayo at maging isang mabuting stepbrother." Kung may iniinom lang siya na tubig ay Malamang sa malamang nasamid na siya. " Mabuti ka na naman. Kaya hindi mo na kailangan gawin yung mga ganto." Akmang may sasabihin pa siya pero hindi siya pinatapos ni Wilson. " But I want to. Wag ka na kumontra. Just enjoy the moment. " Kaya hindi na siya nagsalita. Ang dala nilang pagkain ay mga luto nang maids yung iba at yung iba ay nabibiling mga tsittsirya. Nang bigla na lang may lumapit na pulubi at nanghihingi nang pera. Pero imbes na pera ay foods ang binigay ni Zarnaih. Hindi naman kasi mabubusog ang mga ito sa pera. Pero si Wilson ay inabutan ng pera ang bata. Nagpasalamat naman ang bata saka ito umalis. " Bakit ka nakatingin sakin?" Taka niyang tanong sa lalaki. " I just want to." " Nakakailang kaya." Kunwari ay nahihiya niyang sabi kay Wilson. Ngunit bigla na lamang siyang natamaan ng bola sa may likod. Sa di kalayuan pala ay may mga batang naglalaro. Ang batang sumipa kaya siya natamaan ay lumapit upang humingi nang tawad. " Sorry po ate. Medyo napalakas po yung sipa ko." Paghingi nito nang dispensa. Medyo natakot din siguro na baka magalit siya. Pero hindi naman siya magagalit. Naiintindihan nuya ang mga bata. " Okay lang. Ingat na lang next time. Paano kung iba ang natamaan niyo." Ang naging tugon ni Zarnaih. " Thank you po ate. Ang bait bait niyo. Kaya po pala ang gwapo nang boyfriend niyo." Sabi nang bata. Kaya si Wilson ay napangiti sa isang tabi. " Hindi ko siya boyfriend. Stepbrother ko siya. " Pagsasabi niya nang totoo sa bata at pagtatama na rin dito. " Stepbrother ano po yon? " Ieexplain niya na sana sa mga bata kung ano yon. Pero bigla na lamang tinawag ng mga magulang ang mga ito kaya nagpaalam na. " Ang cute mo panoorin habang nakikipag usap sa mga bata." Sabi ni Wilson sa kanya. " Wag mo kong bolahin. " Sabi niya at nag iwas ng tingin. " Nagsasabi lang ako nang totoo at hindi ka lang cute. Maganda rin." Dinagdagan pa talaga. Papatulan niya sana ang lalaki. Nang biglang magring ang phone nito at kailangan sagutin ni Wilson ang tawag na yon. Sa tingin niya ay alam niya na kung sino ang tumatawag. Si Angelie. Bigla tuloy siyang nakonsensiya. Si Angelie at nangungulila sa atensyon ng boyfriend nito habang siya ay kasama ni Wilson at siya ay stepsister lang naman. Pakiramdam niya ay tinatraydor niya ang kanyang kaibigan. " Si Angelie ba yung tumawag?" " Yes." " Dapat pala sinama natin siya dito." Suhestiyon niya sa lalaki. " Hindi niya gusto ang mga ganitong lugar." " Ah ganun ba." Sabi niya na lang. Noong lunch ay doon din sila kumain. Minsan talaga ay makalat siya kumain kaya pinunasan na naman ni Wilson ang kumalat na sauce sa gilid ng kanyang labi. Kaya ang mga napatingin ay mga kinilig pa. Dahil ang sweet sweet daw nila sa isa't isa. Kahit hindi naman sila magjowa ni Wilson. " Baka magalit sayo si Tito Tony. Hindi mo na nahahandle nang maayos ang kompanya mo." " He won't be mad. Saka madali na naman yon." " Ay wow sana all confident." Pagbibiro niya pa sa lalaki. Yung iba kasi talaga ay mawala lang nang isang araw sa trabaho ay hirap na hirap na. " And mas maganda na kasama ka sa ganitong lugar kaysa pumirma nang pumirma nang mga papeles. " At ayon na naman ang puso niya na bigla na namang bumilis ang t***k dahil sa mga salitang sinabi ni Wilson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD