Gabi na nang makauwi si Zarnaih at Wilson. May dinaanan pa kasi sila. Kung saan na naman siya dinala nang lalaki at may binili para sakanya. Hindi naman siya nagrereklamo. Pero hindi na naman nito kailangan gawin iyon.
Nang pagkadating nila sa bahay ay nandoon na ang kanilang mga magulang at si Jeff ay naghihintay pala sakanya. Medyo nalungkot nga ito dahil ng magtanong ito sa mga katulong ay magkasama daw sila ni Wilson. Hindi pa rin kasi nito gusto ang kanyang stepbrother. Baka kasi ano na naman ang gawin sakanya. Grabe rin talaga mag overthink ang kanyang kaibigan.
" I'll just go upstairs." Ang sabi ni Wilson. Ang mommy niya at daddy ni Wilson ay mamaya na lamang sila tatanungin kung sila nagpunta dahil kailangan niya muna asikasuhin si Jeff.
" Pwede bang sa garden niyo tayo mag-usap?" Tanong ni Jeff kay Zarnaih. May garden nga pala ang mansyon at ang nangangalagaan ng mga halaman doon ay ang mga maids. Balita niya kasi ay mahilig sa mga halaman ang mommy ni Wilson noong buhay pa ito. Pumunta na sila ni Jeff sa garden. Medyo natagalan pa bago may magsalita sa kanilang dalawa. Hindi alam kung ano ang dapat sabihin.
" Saan kayo galing?"
" Sa Park lang." Sagot ni Zarnaih sakanyang kaibigan.
" Sa Park lang. Tapos ginabi kayo nang uwi. Naih baka nakakalimutan mo may girlfriend yung tao. Ano na lang ang iisipin ng girlfriend ng stepbrother mo. At nang mga magulang niyo. Okay na naman yung ayos kayo pero bakit parang sumosobra na." Sa tono ni Jeff ay para itong boyfriend niya at may mali siyang ginawa. Alam naman niya ang kanyang ginagawa. Kaya hindi na naman hindi kailangan sabihin pa. At tsaka bakit ito nagagalit.
" Hindi ko alam ang pinanggalingan mo Jeff. Alam ko na may girlfriend si Wilson at stepsister lang ako. Nagbobonding lang din kaming dalawa. Ikaw lang naman ata ang nag-iisip ng kung ano. Kaibigan pa naman kita. Saka hindi ka ba masaya para sakin? Hindi na ko makakaranas ng pang-aapi. " Dismayadong sabi ni Zarnaih sakanyang kaibigan.
" Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Batid ko naman na hindi ka magkakagusto sa stepbrother mo. Pero ayaw ko lang talaga na mapasama ka. Sinasabi ko to sayo dahil magkaibigan tayo."Paliwanag ni Jeff.
" Nagegets din kita Jeff. Concern ka sakin. Pero wag mo naman ako pag salitaan ng ganon at pagtaasan ng boses. Alam mo ginagawa ko din to dahil gusto ko na maging masaya si mommy at wala silang maging problema ni Tito Tony. "
" I'm sorry Naih."
" Mas mabuti pa umuwi ka na muna. Sa susunod na lang tayo mag-usap. Pupunta na lamang ako sa inyo. " Ang sabi na lang ni Zarnaih. Kaya walang choice si Jeff kundi ang umalis na.
" Kamusta ang pag-uusap niyo ni Jeff? " Tanong ng Zarnaih ng kanyang mommy.
" Ok lang naman po. " Pagsisinungaling niya upang hindi na mag isip pa ang kanyang ina.
" Mabuti naman kung ganon. Kanina pa kasi naghihintay yon sayo. San pala kayo pumunta ni Wilson? " Pag uusisa nang kanyang mommy.
" Sa Park po."
" Talagang dinala ka niya sa park no. Nabanggit ko lamang na iyon ang paborito mong lugar. Alam mo anak natutuwa ako na ayos na kayo nang stepbrother mo. Pero anak ito lang ang gusto kong sabihin sayo na wag kang mahuhulog ss stepbrother mo dahil may girlfriend na siya at para na rin kayong magkapatid. "
" Grabe ka talaga magjoke mommy. Hindi at kaibigan ko si Angelie. Tsaka alam ko naman. " Kunwari ay natatawang sabi ni Zarnaih sakanyang mommy kahit na nangyari na talaga. Nahulog na siya kay Wilson. Ang bilis na na develop ng nararamdaman niya para sa lalaki.
Samantalang si Angelie ay paulit ulit na tinatawagan ang kanyang nobyo na si Wilson ngunit hindi siya nito sinasagot. Halos maghapon na siyang tumatawag. Pero hindi man lang ito sumasagot. Bakit ba nanlalamig na ito sakanya. Meron na ba itong iba. Hindi niya maiwasan ang mag overthink. Hindi naman ganoon ang lalaki dati.
Sinubukan niya din tawagan si Zarnaih pero isa pa itong nakaoff ang phone. Wala tuloy siyang makausap at mapaglabasan ng sama nang loob. Hindi niya na tuloy alam ang gagawin. Hindi niya kakayanin kung ipagpapalit siya ni Wilson sa iba lalo na sakung sinong babae lang diyan sa tabi.
Oo mabait siya pero may hangganan lang din ang kanyang kabaitan. Hindi sa lahat ng oras. Sa pagkakaalam niya din naman ay wala naman siyang ginawang mali para paltan siya ni Wilson. Sana nga lang ay busy lang ito sa kompanya at maraming ginagawa kaysa naman pinagpapalit na pala siya.