Isinama siya ni Wilson sa kompanya nito. Gulat na gulat nga ang mga empleyado dahil iba ang pakikitungo nang lalaki sakanya. Yung hindi siya sinisigawan at kalmado lang. Hindi katulad noong unang beses siya nitong dinala at kung ano ano pa ang sinabi sakanya at pinahiya siya sa harapan nila. Hindi rin siya inaalila nang lalaki. Sa totoo lang ay gusto ata nitong nasa loob lang siya nang opisina nito.
Pero hindi kasi sanay si Naih na wala nang ginagawa. Kasi naisipan niyang lumabas ng opisina nang lalaki upang maipagtimpla man lang sana ito nang kape. Ngunit hindi sinasadyang nakasalubong niya si Angelie. Ang girlfriend ni Wilson. Medyo nagulat pa ang babae nang makita siyang nandoon. Dumaan kasi ito sa mansyon at sinabi nang maid na wala siya tapos ay naroroon pala siya.
" Secretary ka pa rin pala ni Wilson?" May ngiti sa labi na tanong ni Angelie. Hindi niya naman alam ang isasagot. Ang sabi kasi nang kanyang Tito Tony ay wag na lamang daw siyang magtrabaho ang mommy niya ay ganundin. Sumama sama na lang daw siya kay Wilson. Para kung sakali ay magtayo na lamang siya nang kanyang sariling negosyo. Iniisip niya tuloy kung paano magsisinungaling kay Angelie.
" Ah Oo. para kay Wilson yan?" Tanong niya naman sa babae. Ngumiti ito pero parang may something sa ngiti na yon yung parang hindi niya gusto. Parang peke lang or something. Usually kasi ay niyayakap siya ni Angelie kapag nagkikita sila pero iba ngayon. Siguro ay dahil sa may dala ito. Kaya paano naman siya mayayakap diba.
Nagpaalam na si Zarnaih kay Angelie na may gagawin pa siya. Tumango lang naman ang babae na gawin niya na at okay lang ito. Ewan niya ba kung bakit hindi siya makampante para kasing may something wrong kay Angelie. Tila nawala ang pagka angelic face nito. Habang nagtitimpla siya nang kape ay dinadal pa siya nang isa sa mga empleyado ni Wilson kaya medyo natagalan.
Habang si Wilson ay nagulat sa biglaang pagbisita nang kanyang nobya. May dala pa itong foods para sakanilang dalawa ngunit magkagayonman ay tinuloy niya ang pagpirma sa mga papeles na nasa kanyang mesa.
" Nandito ako pero tinutuloy mo pa rin ang pagtatrabaho Mo.I'm your girlfriend Wilson! Pero palagi na lang iba ang inaasikaso mo! Nawawalan ka na nga time sa akin! Sabihin mo nga sa akin may bago ka na ba?" Galit na tanong ni Angelie kay Wilson.
" Wag ka dito magdrama Angelie. Nakakahiya sa mga empleyado ko."
" So sa kanila nahihiya ka? Pero sakin hindi! Sakin na girlfriend mo hindi? Hindi ka nahihiya! Girlfriend mo ko Wilson. Hindi kung sino lang! " pagwawala pa ni Angelie. Ngayon lang ito umakto nang ganoon.
Hanggang sa nakabalik na si Zarnaih dala dala ang isang tasang kape.
" You don't need to do that Naih. Hindi ko naman sinabi na ipagtimpla mo ako. "
" Sige lalabas na muna ako. Mukhang may pag-uusapan pa kayo." Paalam ni Zarnaih sa dalawa at hindi na naghintay pa nang sagot. Mukha kasing nag-aaway ang magkasintahan.
" Si Zarnaih napagtuunan mo nang pansin? Samantalang ako hindi! Girlfriend mo ko! At stepsister mo lang siya! " Nagsisimula na tuloy maiingit si Angelie at magsabi nang kung ano ano at ayaw ni Wilson sa ganon.
" You know Angelie pagod na pagod na ko sayo. Sa mga drama mo. If you want magbreak na lang tayo para wala ka nang pinoproblema at napapagod na din ako sayo." Galit namang sabi Wilson sa babae.
Napaawang ang labi nito.
" So gusto mong maghiwalay na tayo? Sinong bago mo? Tell me! Sinong pinalit mo sa akin. Naging mabuti akong girlfriend sayo tapos gaganituhin mo lang ako! How dare you! " Naiiyak ng sabi ni Angelie.
Pero wala lang iyon kay Wilson.
" Leave Angelie." Pagpapaalis ni Wilson sa nobya.
" You're joking right? Hindi ka naman nakikipaghiwalay sakin diba! I love you mahal na mahal kita. Hindi ko naman gusto na pagselosan pati si Zarnaih. Don't do this please. Hindi na ko magdadrama sayo." Iyak ni Angelie sa lalaki. Pero wala itong pakialam miski sa isang patak ng luha niya.
Nang lumabas si Angelie sa opisina ni Wilson ay takang taka si Zarnaih kung bakit ito umiiyak. Sinubukan niya pa ngang tanungin kung bakit pero bahagya pa siyang tinulak ng babae upang makadaan ito.
Kaya dali dali siyang pumasok sa opisina ni Wilson upang komprontahin ang kanyang stepbrother.
"Anong nangyari? Bakit umiiyak si Angelie?" Very concern niyang tanong.
" Nakipagbreak ako." Simpleng sagot nito. Walang ng pakialam sa nararamdaman ng dating nobya
" Baliw ka ba? Bakit mo ginawa yon?" Medyo nagagalit niyang tanong.
" Dahil may iba na kong gusto and besides sawang sawa na ko sa mga drama niya at pag iisip niya nang kung ano. " Pero ang tanging nagsink in lang kay Zarnaih ay may iba na daw itong gusto. Iyon lang ang tumatak sa kanya. Pero sino naman ang bago nitong nagugustuhan.