bc

Falling In Love With My Bestfriend's Brother (Saavedra siblings: A love to last forever series 2)

book_age18+
2.4K
FOLLOW
23.3K
READ
billionaire
love-triangle
family
HE
age gap
opposites attract
independent
stepfather
heir/heiress
drama
sweet
bxb
gxg
lighthearted
serious
bold
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Isang simpleng dalaga lang si Chellie Sanchez laki sa hirap pero nagsisikap para matulungan ang kanyang mga kapatid sa kanilang pag aaral. Dahil galing sa isang broken family ay hindi na siya nakapagtapos ng kanyang pag aaral, ninais na lang niyang magtrabaho para makatulong sa kanyang ina na mag isa na lang na nagtataguyod sa kanilang 4 na magkakapatid. Dahil sa taglay niyang natural na ganda ay madami na ring nagtatangka na ligawan siya ngunit dahil sa kagustuhan niyang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya ay hindi niya ito binibigyan ng prayoridad. Hanggang sa mag krus ang landas nila ng isang Troy Saavedra isang gwapo, matipuno at mayamang lalaki na galing nang america. Pinadala sa pilipinas upang hanapin ang kanyang mga kapatid sa ama. Naging magkaibigan sila ni Chellie hanggang sa hindi nila pareho namamalayan ay nahuhulog na ang loob nila sa isat isa. Ngunit paano nila ipaglalaban ang kanilang pag mamahalan kung pamilya ang priority ni chellie? Hanggang saan kaya maghintay ni Troy para sa babaeng itinatangi ng kanyang puso? Paano tatanggapin ni chellie kung sa muling pagkikita nila ni Troy ay may iba na siyang mahal.? Abangan kung saan hahantong ang pag-ibig na ipinangako nila sa isa't-isa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Chapter 1 Nagmamadali ng kumilos si Chellie dahil mahuhuli na siya sa kanyang trabaho. Isa siyang janitress sa isang kumpanya sa may BGC, hindi siya pwedeng malate at tiyak niyang mapapagalitan na naman siya ng kanyang supervisor. "Mama iniwan ko na po ang baon nila jelay sa may lamesa kayo na po ang bahala aalis na po ako at malalate na po ako." Sigaw niya sa kanyang ina habang mabilis na isinuot ang kanyang sapatos upang umalis na ng bahay. Lakad takbo na ang ginagawa niya para makarating agad sa sakayan ng jeep. Rush hour na kaya halos lahat ng jeep na dumadaan ay puno na. "Anong oras na tiyak late na naman ako nito, mainit na naman ang ulo sa akin ni maam Ally." Kausap ko sa aking sarili habang nag aantay ng jeep na masasakyan. Nang may humintong jeep ay mabilis akong nakipagsiksikan sa mga tao na kagaya ko ding nagmamadali sa pag pasok. "Ano ba miss bakit kaba sumisiksik alam mong nasa unahan na ako!" sigaw ng babaeng galit na galit dahil naunahan ko siya sa pag sakay ng jeep "Pasensya na miss, nagmamadali lang talaga ako bawi ka na lang next life." sigaw ko sa babaeng masama na ang tingin sa akin. bahala ka jan magalit basta ako nakasakay na, kesa naman si maam ally ang magalit sakin baka sisantehin pa ako nun. Nakarating ako nang BGC sa Taguig eksaktong alas otso lakad takbo ang ginawa ko para lang makarating sa building na pinagtatrabahuhan ko. Agad akong pumasok sa entrance at binati si kuya guard. "Good morning kuya." bati ko habang patakbo na akong papalayo sa kanya, sana wag ako makita ni maam ally 5minutes late na naman ako ikakaltas niya na naman iyon sa sahod ko pag nagkataon. Eksaktong pagpasok ko sa locker room namin na makasalubong ko siya. "You're late at ano na naman kaya ang idadahilan mo ngayon Chellie, hindi na pwede na may sakit ang nanay mo dahil nagamit mo na yon last week. Hindi din pwede na nagtatae ka kasi nagamit mo na rin yon nung isang araw. Ano naman kaya ngayon ang idadahilan mo sa akin kung bakit ka late?" mataray na sabi ni maam Ally. "Pasensya na po kayo kasi po may patay po kami kagabi lang po namatay." ani ko habang nagbibihis at nagmamadali akong matapos. "At sino naman ang patay sa inyo aber?" pagalit niya ng ani. "Naku maam gusto niyo po bang malaman kung sino?" muli kong tanong sa kanya. "Okay ma'am kung talagang mapilit ka sasabihin ko na po, namatay po ksi ang kuku ko kagabi gusto niyo po bang makipag lamay mamaya na po kasi ang libing." malakas kong sabi sa kanya habang unti unti na akong lumalayo dahil bk mahampas ako ng walis na katabi niya. "Chellie!!!!!!!!!" malakas niyang sigaw "Go to my office now, sumasakit ang ulo ko sayo napaka pilosopo mong bata ka." sigaw ni maam ally "Later na ma'am back to work na po ako baka mapagalitan tayo pareho ni Mr. CEO." muli kong pang aasar sa kanya. Mabait naman talaga si ma'am, istrikta lang siya pag dating sa trabaho. Mabilis na lumipas ang oras malapit nang mag uwian, inaayos ko na ang mga gamit ko ng bigla akong ipatawag ni maam Ally sa kanyang opisina. "Chellie punta ka daw ng office ni ma'am Ally bago ka umuwi." sabi sa akin ng katrabaho ko. Naku lagot na matutuluyan na yata akong masisante, kailangan ko pa naman ngayon ng trabaho madaming bayarin ang mga kapatid ko sa school. Madaming problema na isa-isang pumapasok sa isip ko, kaya kahit na kinakabahan ay tinungo ko ang opisina ni maam Ally. Kumatok ako ng tatlong beses at nang marining ko na pinapapasok niya na ako ay pinihit ko ang seradura diretso akong pumasok at punta sa malapit sa table niya. "Good afternoon po maam." bungad kong bati kahit medyo kabado. "Pinatawag niyo daw po ako ma'am?" "Yes, please sit down! Gusto kitang maka usap tungkol sa palagi kang late sa trabaho mo, napapansin ko kasi na every week na lang ay walang palya ang pagiging late mo. Hindi naman pwede ang ganun, yung isang beses, dalawang beses pwede nating pagbigyan pero pag palagi na lang ay hindi na tama. Kaya tatanungin kita, mahalaga ba sayo ang trabaho mo? Kung mahalaga ito sayo gawaan mo ng paraan para pumasok ka nang maaga, hindi ko pwedeng itolerate ang mga ginagawa mo. Wag mo sana damdamin ang sinabi ko pero this is your last warning, pag naulit pa ito baka isuspend na kita or worse matanggal ka sa trabaho mo." mahabang paliwanag ni ma'am Ally. Naiintindihan ko naman siya at tama naman siya parati na akong late pumasok hindi lang isang beses sa isang lingo. "Pasensya na po ma'am, sisikapin ko na pong makapasok nang maaga." Nakayuko kong sabi. "Huwag mong sikapin, gawin mo chellie madami ang nangangailangan ng trabaho ngayon sayang kung matatanggal ka dahil lang sa palagi kang late. Masipag ka naman at mabait alam ko din na kailangan mo ito gusto kitang tulungan kaya nga kinausap kita, pero sa susunod wala na ako magagawa para sayo." muling sabi ni Ma'am Ally sa malungkot na tinig. ramdam ko naman ang pagiging concerned niya sa akin. Nanghihina akong humakbang palabas ng opisina ni Ma'am Ally, kailangan ko pa naman ang trabaho paano pag nasesante ako. Lumabas na ako ng building na pinag tatrabahuhan ko at naglakad na papuntang sakayan. Napansin ko ang karatula na nakapaskil sa isang coffee shop, agad ko itong nilapitan at nagtanong sa guard na nag babantay sa entrance. "Sir open pa po ba yang nakapaskil dyan na hiring?" tanong ko kay manong guard. "Oo miss open pa yang service crew at cashier, kaso ang duty niyan ay pang gabi." sagot naman ni manong guard. Umalis na ako pag katapos kong malaman ang gusto ko. Naisip ko na mag apply bukas at yayayain ko ang best friend ko na si Weng. Nakausap ko kasi syanoong nakaraan na naghahanap din sya ng trabaho. Mag kapit bahay kami ni Weng at sabay lumaki mag kasama sa lahat ng kalokohan, naging magkaklase din kami mula elementary hanggang high school. Nagkahiwalay lang kami noong college dahil tumigil na ako samantalang siya ay tinapos niya ang kanyang pag aaral at nakapagtapos siya bilang isang guro. Nang makauwi ako sa bahay ay nagpalit lang ako ng pambahay na damit at agad kong binagtas ang daan papunta sa bahay ng aking kaibigan, Nakita kong nakasasara ang pinto nila ngunit may naririnig naman akong kumakalampag sa loob kaya alam kong may tao. Dali-dali kong tinawag ang pangalan ng aking kaibigan. "Weng..........weng....... tao po!" hindi nagtagal ay bumukas naman ang pinto at muka ng nakangiti kong kaibigan ang bumungad sa akin. "Oh! Chellie ba't naman ang ganda yata ng ngiti natin diyan abot hanggang Baguio, anong meron?" bungad na tanong ni Weng. "Ito nga kasi, alam mo ba na may nakita akong hiring dun sa isang coffee shop malapit dun sa pinag ta-trabahuan ko na building. Gusto mo bang mag apply sayang din kasi yun, kaya lang pang gabi ang pasok. Nagtanong na kasi ako dahil gusto ko sana mag apply at lagi pa din kapos ang sweldo ko para sa pang araw araw namin. Alam mo naman ako din nag papaaral sa tatlo kong kapatid ky dpat double o kung pwede pa nga triple work ako." Ang mahabang sabi kay Weng. "Kailan ba tayo mag aapply nag iipon din kc ako para pambayad sa review center na pag eenrollan ko para makapag take na din ako ng board exam. Alam mo naman ang pangarap kong makapagturo kaya kailangan makapag ipon ako hindi ko din pwede iasa kay inay ang pang enroll ko at malaki laki din ang 8k." sagot naman ni Weng sa akin. Napagkasunduan nmin na bukas na kmi mag aapply ng umaga dahil day off niya din bukas. Tamang tama at wala din akong pasok kaya makakapag apply kami. Sana lang matanggap kami pareho para mag kasama na kami sa trabaho.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.6K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.6K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook