CHELLIE Ngayon ang flight namin papuntang Japan, mix emotion ang nararamdaman ko excited ako and at the same time malungkot din dahil maiiwan ko ang mga kapatid ko. "Ate mag iingat ka po sa Japan, alagaan mong maigi ang sarili mo saka ang magiging baby mo. Wag ka pong mag alala sa amin malalaki na po kami kayang kaya na namin alagaan ang mga sarili namin."Umiiyak na sabi ni Venus "Ate, wag mo kami kakalimutan ha mamimiss po kita. Mag aaral po akong mabuti para pag nakatapos na ako susunod po ako sayo sa Japan, Ate." sabi ni Tere na panay din ang iyak. Hindi ko na tuloy mapigil ang iyak ko, ang hirap pa lang umalis at iwan ang mga mahal mo sa buhay ang bigat sa dibdib. "Wag kayong mag alala mag tatrabaho si ate nang mabuti para pag madami na akong pera kukunin ko kayo. Pangako babalika

