TROY Ang sakit nang pag alis ni Chellie, hindi ko matanggap na tapos na sa amin ang lahat. Minahal ko siya nang sobra higit pa sa sarili ko kaya napakahirap tanggapin na dahil lang sa isa kong pagkakamali ay nawala ang babaeng pinakamamahal ko. Halos araw araw akong lasing at hindi makausap, gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak para mabawasan man lang kahit konti ang sakit na nararamdaman ko. Ang tanga ko ako ang sumira sa masayang pagsasama namin ni Chellie, kung hindi ako nagpadala sa selos at galit ko hindi sana ako mapupunta sa ganitong sitwasyon. Hindi pa ako nadala kay Yvette, hindi pa ako natututo sa pagkakamali ko sa unang kong failed relationship. Araw araw sinisisi ko ang sarili ko, pero ano pa nga bang magagawa ko nakaalis na siya at hindi ko alam kung kailan siya babalik.

