VENUS Pinuntahan kami ni ate Chellie dito sa barong barong na tinitirahan namin, nakita ko sa muka nang ate ko ang pagkahabag niya sa amin dahil sa nakita niyang kalagayan namin. Tinanong ni kuya Troy kung bakit kami napaalis sa bahay namin gayong nag bigay naman siya nang sapat na halaga para mabayaran ang taong pinagsanglaan nang bahay. Sinabi ko kay kuya ang totoo na hindi ibinayad ni nanay ang pera kaya mas lalong nagalit si ate. Pinag empake kami ni ate nang mga gamit namin at agad niya kaming inalis sa lugar na ito, umiiyak ako habang nag liligpit at panay sa pasasalamat ko sa ate ko. "Ate, thank you kasi binalikan mo kami. Akala ko tuluyan muna kaming iniwan." umiiyak kong sabi. "Sshhhh.... Wag na kayo umiiyak, pasensya na kung ngayon ko lang kayo nabalikan. Kasalanan ni ate kun

