RACHEL/CHELLIE Tumakbo ako palabas nang bar dahil iba na naman ang nararamdaman ko. May trauma talaga ako kapag may nakikita ako na taong galit dahil sa tatay ko. Lumaki akong madalas kong makita na mag away ang mga magulang ko at nagkakasakitan sila kaya nadala ko ito hanggang paglaki ko. Dahil sa takot ko ay gusto ko muna makaalis dito sa bar pag labas ko ay may nakita akong taxi na nakaparada sa malapit kaya naman sumakay agad ako dito. Dinig ko ang pagtawag sa akin ni Troy pero hindi ko na ito pinansin, gusto ko lang muna makalayo para makahinga ako nang maayos. "Ma'am saan po tayo?" tanong nang taxi driver. "Manong pwede niyo po ba akong ihatid sa baywalk,," sagot ko naman. "Okay ineng, pero mag iingat ka madaming luko loko ngayon, maganda ka pa naman." Sabi ng taxi driver. Ibina

