CHELLIE Okay na ang lahat pumayag na ang mga kapatid ko na pumunta ako nang Japan upang mag trabaho, sinabi ko na din kila Ate Ally ang napag usapan namin. Kailangan ko na lang kumpletuhin ang mga requirements ko para makapag pasa na kami sa agency para sa aking Visa. Mabilis din na naipadala nang aking sponsor lahat nang documents na kailangan ko galing sa japan. Halos isang lingo na din akong naglalakad nang papers ko kasama si Ate Ally, kakauwi lang namin galing nang agency. Nakaupo ako ngayon sa couch at nagpapahinga nang may marinig ako na katok sa pinto. Wala ang mga kapatid ko kaya ako na ang tumayo upang magbukas, napangiti ako nang ang bumungad sa akin ay si Kevin na may dalang tupperware na puro pag kain. Mula nang lumabas ako nang ospital ay palagi nang dumadalaw sa akin si Ke

