TROY Tatlong taon na ang nakalipas madami nang nagbago, at madami na ring nangyari sa akin pero isa lang ang sigurado ako ang babaeng mahal ko ay nananatili pa din sa puso ko. Hindi ko din makakalimutan ang panlolokong ginawa sa akin ni Trixie pinaikot niya ako, ginawa niya akong tanga ipinaako niya sa akin ang batang hindi ko naman tunay na anak. Flashback Tinawagan ko si Francis at John para may makausap ako, gusto kong patunayan ang hinala ko na hindi ko anak si Vhia. Mahal ko ang bata na parang tunay kong anak sa kabila nang mga pagdududa ko kay Trixie. Naisip ko nang ipa DNA test si Vhia pero naaawa ako para sa bata. Ang gusto ko ay mahuli ko mismo si Trixie at mapaamin siya na hindi nadadamay ang bata. Nandito ako sa Penthouse ko at hinihintay ang mga kaibigan ko. Hindi nag ta

