CHELLIE Nakita kong natataranta na sa akin si Kevin kya huminga ako nang malalim para ikalma ang aking sarili, hindi ako pwedeng mag panic dahil baka lalo akong mapaanak dito sa loob nang sasakyan. Kahit nasasaktan na ako ay pilit kong tinitiis ang sakit, nakahawak ako sa aking tyan at hinayaan ko si Kevin sa kanyang ginagawa. "Chell, are you okay?" "Yes," sagot ko kahit sobrang sakit na talaga nang tiiyan ko. "Kevin pwede bang pakibilisan mo nang konti ang pag da-drive baka dito ako mapaanak sa sasakyan mo." malumanay kong sabi. "Okay, just relax malapit na tayo sa ospital." Pagkarating namin sa ospital ay pinakuha ko agad ang record book ko kay Kevin at saka ko pinabigay sa information. Agad naman akong inasikaso at pinasakay sa wheel chair itinulak ako papunta sa delivery room. P

