**
Marg's POV
"Rest Daddy"
Pinahiga ko si Daddy sa kwarto niya, ramdam ko ang stress at pagod niya. Madalas ay din tulala siya, at kung hindi naman ay abala siya sa pagcocontact kay Tito Manny.
My Dad told me everything. Ipinaliwanag niyang wala siyang kinalaman sa mga nangyayari ngayon sa ospital nina Mike. Naniniwala ako sa kanya, he is man of principle. Alam kong hindi niya magagawa iyon, kahit ang relasyon namin ni Mike ay labas sa trabaho niya.
Kinunan ko siya ng blood pressure na medyo tumaas ng konti.
Nagbigay ako ng mensahe kay Ate na siya namang tumawag agad.
"Luluwas ako sa ngayong linggo Marg" ani ni Ate na nakabased na sa Davao kasama ang sariling pamilya.
"Sige po" sagot kong ibinaba ang tawag. Pansin ko ang telepono kong wala pang kahit isang reply na galing kay Mike sa lahat ng mensaheng ipinadala ko.
Alam kong abala siya sa trabaho ngunit nakakapanibago na medyo dumalang ang pagrereply ni Mike sa mga mensahe ko.
Napahinga ako ng malalim. Naisip kong kahit ang pagsundo nito at paghatid sa akin sa University ay dumalang din. Ayokong magisip ng kahit anu pa man. Alam kong mahal ako ni Mike at kung ano mang problema meron kami ngayon ay malalagpasan namin. Kumakapit ako sa pangako naming hindi kami bibitaw sa isa't isa.
Isang linggo pang muli ang lumipas. Yamot akong magulo ang isip. Ramdam ko ang paglayo niya. I know something is definitely wrong. Ilang araw at halos umabot na ng dalawang linggo at mahigit pa na akong iniiwasan ni Mike.
"Bakit sambakol ang mukha mo?" ani ni Krissa, kaklase ko.
Napailing akong pagod na sumandal sa inuupuan ko.
Pagkatapos ng klase ko ay nagpasya akong puntahan siya sa ospital kung saan siya kumukuha ng residency niya.
Tumungo ako sa St. John.
Sa kalayuan pa lang ay tanaw ko na siya.
"Mike..." kuha sa atensyon nito ng masalubong ko sa lobby, kasama ang kapwa niya doctor. Lumapit itong medyo nabigla at namutla.
"Anong ginagawa mo rito?" aniyang lumapit sa gawi ko.
Napakunot noo ako. Hindi ba man lang ba siya nangulila sa akin? samantalang ako ay miserable ng ilang linggo.
"Anong ginagawa ko rito? More than two weeks mo na akong iniiwasan Mike..." hinanakit ko. Hindi ito ang inaasahan kong pagsalubong niya sa akin.
"I'm busy Marg" aniyang may seryosong tingin.
"May problema ba tayo? Tungkol ba ito kina Daddy?" tanong ko.
"Naipaliwanag niya sa akin, sinabi niyang wala siyang kinalaman doon, di ba nasabi ko na sayo?" ani kong humawak sa braso nito. Parang may sakit sa dibdib ang paraan ng pagsalubong nito sa akin. Something is off and I hate it!
"Mike, are you coming or not?" sabad ng babaeng kasama nito. Nakahinto ang grupo nila sa kabilang gilid.
"Mauna na kayo Missy" aniyang sagot. Inirapan ko ito.
Iginiya ako nito sa labasan ng ospital.
" Mike..." ani kong nagpipigil ng luha.
"Walang magbabago diba?" ani kong pilit na tuwid na pagsasalita.
"No, hindi iyon" aniyang napahilamos ng mukha.
"Then what?"
"Why sudden change? Ilang linggo mo na akong iniiwasan, sa palagay mo hindi ko nararamdaman iyon? Hindi ako bato Mike... nasasaktan mo ako" ani kong di ko napigilang mapagaralgal kahit anong pigil ko.
"What's going on Mike?" mahinang tanong ko.
"M-Marg... I –I think we need to break up"
"W-what?" halos bulong ko.
"W-we need to break up Marg. I'm leaving for States next week" matigas na sabi nito.
Hindi ako nakaimik na napalunok. Ramdam ako ang pait sa lalamunan ko.
"Tell me that it's not true" pilit kong sagot.
"I'm sorry but I'm leaving-" matigas na sagot nitong diretsuhan.
"P-paano tayo?" halos nanghihina kong tanong. Pakiramdam ko nauupos akong kandila sa lambot ng tuhod ko.
Napahinga ito ng malalim.
"That's why I'm breaking up with you" sagot nitong muli.
"G-Ganon lang? I-iiwan mo ako? At kung hindi pa ako nagpunta dito, hindi ko malalaman na aalis ka na?" garalgal kong tanong at nagpalis ng luha sa gilid ng mata ko.
Hindi ito umimik.
"I-m sorry"
"Why Mike? Don't you love me anymore?" ani kong hindi na napigilang maiyak.
"I'm sorry Marg" aniyang muli.
"Pwede bang wag ganito Mike, binigla mo ako" halos bulong kong sabi. Kumuha ako ng panyong pinunasan ang mata ko.
"Love... please" halos pakiusap kong yumakap dito.
"Sabi mo, mahal mo ako, sabi mo walang magbabago" ani kong humilig sa dibdib nito.
"Mike... Love, please" ani kong umangat ng tingin ngunit seryoso lang itong nakatingin sa malayo.
"Please, wag Mike... don't break up with me kahit long distance relationship Mike,saka nangako si Daddy wala siyang kinalaman sa nangyari sa ospital ninyo, kilala mo si Daddy" ani kong garalgal na humawak sa braso nito. Desperado akong nagpapaliwanag.
"No, Marg...I'm sorry this is for the best" aniyang halos bulong.
Yumakap akong muli ng mahigpit. Nabigla ako, hindi ko inaasahan na ganito.
"Mike, don't break up with me please..." pakiusap ko. Wala na akong pakialam kahit pagtinginan kami ng taong nadaan sa gilid namin.
"Mahal kita Mike, hindi ko ito kaya please, wag ganito..." ani kong napaiyak na. Ramdam ko ang init ng mata ko. At bara sa lalamunan ko.
"Mahal mo ako di ba? kakapit ako Mike sa sinabi mo, sa ipinangako mo!" ani kong napahagulgol.
Hindi ito naimik, hindi rin siya yumakap pabalik. He is distant, nararamdaman ko iyon.
"Wag Mike, hindi ko kakayanin ito..."
"I'm sorry Marg... i-i- I don't love y-you anymore" aniyang ikinaangat ko tingin.
"You don't mean that... mahal mo ako Mike di ba?"
Umiling ito.
"Mike Please..."
"I'm sorry I need to go.." aniyang kumalas sa akin.
*
Isang lingo na ang lumipas, hindi ko alam kung papaano ako nakauwi sa bahay ng araw na iyon.
Araw araw akong nakikiusap kay Mike na balikan ako, ngunit panay din ang iwas nito. Alam kong mahal niya ako, ipinaramdam niya iyon noo.
"Okay ka lang?" Si Ate ng madatnan ko siya sa bahay. Napatango akong bumati kay Kuya Jules at Kuya Eugene, matalik na kaibigan ni Kuya Jules.
"Mukha kang maysakit" komento ni Kuya Eugene na humaplos sa noo ko.
"Mukhang may sinat ka" aniya pang muli.
Umiling ako.
"Psychological lang ito, pagod lang ako... drain ako sa exams" palusot kong nakatitig lang si Ate.
"Magpahinga ka muna. Ako ng bahala kay daddy, ipapacheck up ko siya" ani ni Ate na tinanguhan ko at saka nagpasalamat.
Kahit nakahiga ako ay di ko magawang magpahinga, pagod na ako sa kakaiyak. Mike is my first love, he is my first of everything, unang boyfriend ko at naka program na rin sa isip kong siya ang mapapangasawa ko. My first kiss, siya lang din ang nakasayaw kong lalake, my bestfriend, confidant. I wanted him to be my last. Naginvest ako ng feelings, memories and future plans na kasama siya.
Probably my first heartbreak too!
Tinawagan ko si Michelle na kapatid ni Mike, halos ayaw din niya akong kausapin ng araw na iyon, sinabi nga niyang totoong paalis ang Kuya niya.
Papaano nangyari ang lahat ng ito? Siguro naman ay may karapatan akong manghingi ng eksplanasyon sa nangyayari ngayon.
Napagdesisyunan kong tumungo sa condo niya pagkatapos kong kausapin si Michelle, kung kailangan kong isalba ang natitirang meron kami ay gagawin ko, ganun ko siya kamahal, ayokong sumuko.
Pinindot ang password ng condo nito ng mabungaran ko ang isang babae doon.
"Sino ka?" tanong ko sa isang babaeng nakatayo sa harapan kong akmang magbubukas ng pinto.
"Ikaw ang sino ka?" asik na sagot nito. Umirap itong humalukipkip. Suot nito ang alam kong isang t- shirt ni Mike. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa galit.
"Who's that Elise?" ani ni Mike na palabas ng kwarto.
Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanila.
"Sino siya Mike?" tanong kong lumapit ditong nagpipigil sa galit.
Bumaba itong halos igiya ako sa pinto.
"Let's talk outside" aniyang hindi ko napigilang hilahin ang buhok ng babae na nakita kong ngumisi ito.
"Walang hiya ka!" ani kong halos mangudngod ko ang babae.
"Mike!" sigaw nitong umawat si Mike na pumagitna at umawat.
"Margarette!"
"Margarette damn! Stop it!" aniyang hinablot akong palayo sa babaeng iyon.
Lumapit ito sa bababeng sinuri ang mukha nito.
"Mike..." halos bulong ko. Parang naninikip ang dibdib ko.
"What have you done Marg?!" aniyang galit na iginiya ako sa palabas.
"Sino siya Mike?" halos maiiyak kong tanong.
"It doesn't matter any more Marg... we're over" aniyang sagot.
"Siya ba ang ipinalit mo sa akin?" mahinang tanong kong parang may bara sa lalamunan.
"Umalis ka na" aniyang iling na sagot.
"This can't be Mike... bakit mo ako sinasaktan ng ganito?" ani kong napaiyak muli.
"Talaga bang ayaw mo na sa akin?" mahinang tanong ko.
"Umalis ka na Marg"matigas na sagot nito.
"Please Mike...don't do this" mahinang pakiusap kong muli. Alam kong mukha na akong desperada ngunit wala na akong pakialam.
"Please Marg, just leave..." aniyang iniwan ako sa labas.
***
-tbc-