Almost Over You 4

1149 Words
*** Marg POV I am heartbroken . Hindi ko pa rin maabsorb ang mga nangyari, sa isang iglap nagulo ang mundo ko... mundo kong kasama si Mike. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon. Iniwan niya ako sa labas ng pinto niya. Literal na parang nababasag ang puso ko. I felt the pain... an undescribable pain. Halos hindi maampat ang kuha kong umuwi, ramdam ko ang p*******t ng ulo ko. I am exhausted. Pagod ako sa pisikal kong pangangatawan. I am emotionally hurt and tired. Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang maga nangyari. Papaano niya ako nakakayanang saktan ng ganito? Wala akong maayos na tulog at parang wala na rin akong ganang kumain. "Margarette" Si Daddy na may dalang tray ng pagkain sa kwarto ko. Bumangon ako agad. Pansin ko rin ang pananamlay ni Daddy. "'Dy..." ani kong tumayong sinalubong ito. "I'm sorry Anak" ani ni Daddy na inihilig ako sa dibdib niya. "Dad..." "I know, kahit di mo sabihin alam kong nagkakaproblema kayo ni Mike. I can feel it Anak kahit pigil ang iyak mo sa gabi, naririnig kita" ani ni Daddy na medyo garalgal ang boses. Napayakap ako. "Don't worry maayos din ito. I'll make sure maayos ito. I'll clear my name, wala akong kasalanan dito" aniyang humahalik sa tuktok ng buhok. "Naniniwala ako sayo 'dy" sagot ko. "Siya kumain ka na, may pupuntahan lang ako saglit" aniyang iginiya ako sa mesa at lumabas. Sana nga lang matapos na itong unos na ito. Pilit akong kumain ngunit kahit paglunok ko ay parang ayaw makisama at hindi pumapasok ang kinakain ko. Humiga akong nagpadala ng mensahe kay Mike. You're unfair Mike How could you do this to me? I love you yet you hurt me Hindi ba dapat pagusapan natin ito? Please take me back Mahal na mahal kita Mike. Please take me back Mike. I'll be very good to you, I promise just don't let it go Please fight for us... .... ... ... Ilang mensahe pa ang pinadala ko. Nilunok ko na ang pride kong makiusap sa kanya. Ayaw kong mawala ang meron kami. Sinubukan ko ring tawagan ito sa telepono niya ngunit hindi niya sinasagot. May pagkakataon pang ibang babae ang sumagot ng telepono niya, kaya ko siyang patawarin wag lang niya akong iwan. Ramdam ko ang medyo bigat ng ulo ko, hindi muna ako pumasok. Alam kong kinabukasan na ang alis ni Mike. Masakit mang isipin, ayaw tanggapin ng puso at isip kong tumatakas siya sa problema namin. Wala ba siyang tiwala sa aming dalawa? Hindi ba ganun katatag ang pundasyon namin? Hindi ba siya naniniwala sa sinasabi kong walang kinalaman si Daddy sa problema nila? Hindi ba niya kami pwedeng ipaglaban? Ang relasyon namin? Bakit kailangan niyang sumuko agad?Hindi ba sapat ang pagmamahalan namin? Alam kong iniignora niya ang mga mensahe at tawag ko ngunit sa huling pagkakataon ay sumubok akong muli. Let's talk. Kung may natitira ka pang pagmamahal sa akin kahit kaunti, meet me. Hihintayin kita sa park natin. Sa park namin. Doon ko siya sinagot noon. Umaasa akong darating siya, mahal niya ako. Alam kong hindi niya ako matitiis. Mahal niya ako! Mahal niya ako!- mantra ko sa isip ko. Maaga pa sa pinagusapan naming oras ay nasa park na ako. Ayokong mawalan ng pag asa. Halos magdadapit hapon na, kaunti na lang ang mga nasa parke. Hindi ako umalis sa pwesto ko, ayokong hindi ako abutan ni Mike o magka salisi kami. Umaasa akong hindi niya ako bibiguin sa huling pagkakataon. Madilim na sa parke. Halos wala ng tao. Ilang oras ng huli si Mike sa pinag usapan naming oras. Gusto kong mapaiyak. Kahit anong paglinga ko ay hindi ko siya makita. Ganon na ba kadaling kalimutan ang meron kami? Kailangan ba niya akong sakatan ng ganito kasakit? Ramdam ko na ang medyo lamig ng ihip ng hangin. Siyam na oras na akong naghihintay, halos maghahatinggabi na. Napayakap ako sa tuhod kong napaiyak ng tahimik. I don't think mahal ka ng tao kung kaya ka niyang saktan ng ganito. "Marg!" Si Ate Myles. Inilang hakbang niya ang lakad papunta sa gawi ko. Ramdam ko ang panghihina at sakit ng kalooban ko. I am emotionally drained. "A-ate" ani kong di ko napigilang napahagulgol. "Shh..M-marg!" aniyang niyakap ako. Para akong naubos. Hindi ko akalain na mababalewala ako ng ganito. "Jules! Gene!" sigaw ni Ate. Hindi ko masyadong maintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Napayakap akong nanginginig ang katawan ko, hindi ko alam kung sa lamig ba o sadyang lumabas na ang pagod at hapo ko ng mga nakaraang araw at linggo. I am mentally dead. Pakiramdam ko ang manhid na rin ang katawan ko. "Marg! Susmiyo! You're burning hot!" rinig kong sigaw ni Ate. Aninag ko ang paglagay ng dyaket sa akin. "Marg!" aniyang pilit akong inaakay. "No, Ate... I'll stay here, he will come..." sagot kong pilit kong bumabalik sa inuupuan ko. "Marg... please, wag mong gawin ito sa sarili mo! You're not feeling well!" sigaw ni Ate. Hindi ko alintana ang lamig. Umiling ako. "D-Darating s-siya" ani kong pilit na umupo ngunit ramdam ko ang hilo. "Please, Marg you're shivering already, at ang putla mo na!" rinig kong sambit muli ni Ate, ng maramdaman ko ang biglang buhos ng ulan. Pakiramdam ko nakikiisa ang panahon sa pag iyak at sama ng loob ko. "Marg!" "No, I don't want to miss him, baka hindi niya ako makita" sagot kong napahagulgol. "Don't do this to yourself Marg! Wag sa kanya umikot ang buhay mo!" sigaw ni Ate. "N-No" ani kong ramdam ko ang panginginig ko. "This can't be Myles. She's burning hot!" rinig kong sabad ni Kuya Jules. "I'll carry her" sabad ni Kuya Eugene ng maramdaman kong nasa ere akong hilo at ramdam ko ang lamig ng patak ng ulan at ihip ng hangin bago tuluyang nagdilim ang paningin ko. * Things got worse. Naospital ako ng isang linggo. I lose my scholarship, sunod sunod ang dagok para sa akin. Bumalik na lang ako sa katinuan ng naatake at nagkasakit si daddy sa puso. Na stroke si Daddy na epekto ng pagkakaatake niya. I hate myself and I regret na hindi ko masyadong napagtuonan ang pangangatawan ni Daddy kundi ang pansarili kong sakit sa puso. I felt the pain and anger. They accuse of something kay daddy na hindi nakayanan ng puso niya ang sobrang stress, kinailangang ibenta ni Ate ang bahay namin na memories niya with my Mom at bahay sa probinsiya at ilang naipundar nila ni Mommy para mabayaran sila ng hindi makasuhan si Daddy. Alam kong inosente si daddy. I will never forget this, ang pang iipit nila sa pamilya ko. Humingi ako ng tawad kay Ate lalo na kay Daddy. Hindi ko mapigilang mapaluha tuwing makikita ko sa Daddy na tumatango lang, ramdam ko ang paghihirap niya. I hate Mike. I loathe him and his family. I can never forgive them. *** -tbc-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD