*** Ramdam ko ang bigat sa dibdib. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Pinilit kong umiwas kay Mike kinabukasan. Silay ko siyang mukhang haggard ding katulad kong napakaseryoso at tahimik lang sa gilid. Alam kong nasaling ko siya, ngunit wala na akong magagawa sa sitwasyon namin. Maybe I need to hear him out at patawarin, para matahimik na kami pareho, hindi ko alam kahit ako ay lito. "You ready?" seryosong tanong niyang sumunod ako sa loob ng lift paakyat ng OR. Ramdam ko sa sarili ang kaba. Dumiretso ako sa changing room para magbihis ng sterile na scrub suit at makahanda para sa kaso. Halos sabay din lang kaming tumungo sa hugasan ng kamay. "Mike... a-about" ani ko sana habang nag iisscrub ng kamay ng sumabad ito. "Make it fast, handa na ang pasyente" aniyang seryosong hindi ak

