*** "I'm sorry babe, kailangan ko ng bumalik ng Davao" nagmamadaling impake ni Eugene. "Huh?" "Tumawag kasi si Mommy, may emergency daw sa isang store natin" aniyang napatango akong wala sa sarili. "O-okay, sandali paano yung check up mo?" tanong kong bumangon sa pagkakahiga. "I'm better now" aniyang ngumiti. "Gene..." "Okay na ako, pagod lang siguro saka maghapon kasi akong nakaharap sa computer kahapon" aniyang sinalubong ako ng yakap. "Are you sure?" Tumango siyang ikinukulong ako sa bisig niyang nakangiti. "Sure na sure doc" tawa niyang napairap ako. "Pagbalik papacheck up ako sa optha dito" aniyang napatango ako. "I'll miss you" napanguso akong yumakap. "Ako lalo" mahinang sagot niyang yumakap ng mahigpit. "Ihahatid kita sa airport" prisinta kong sumenyas na maghintay sa

