*** Where are you? Pauwi na babe- sagot ko pabalik sa text ni Gene. Nagmadali akong magbihis, gusto ko ng umuwi para makapagpahinga. "Marg" bati ni Pam at Beth na nagbibihis din. Ngumiti akong tumungo sa gawi nila, maya't mayay kasunod na rin si Claire at Mark na umakbay kay Beth. "Sama ka sa amin" anyaya ni Beth na inilingan ko, gusto ko na lang umuwi. Kahit nakatulog ako kaninang madaling araw ay ramdam ko pa rin ang matinding hapo. "Coma ako" sagot kong natawa si Mark at sinaway ni Beth. Nakakatuwa silang pagmasdan, ang pagiging magkakaibigan nila. Si Mark na kahit consultant na ay panay pa rin ang sama kina Pam, ganundin sina Doc Karl na siyang may pinakamataas na posisyon dito sa ospital at si Doc Chris at Ma'am Beth na nag iisang nurse sa grupo nila. Nakilala ko sila sa pamamagi

