*** Mike "Pasensya na bro, hindi ko kasi alam na kadarating mo lang" ani ni Chris na Chief Resident dito. Medyo hapo at may jetlag pa ako sa mahabang biyahe. "It's okay... gusto ko na ring makita ang chart ng pasyente" sagot ko. Napangisi si Chris. "Uh, well nasanay na ako na ganoon sa States, wala kaming sinasayang na oras" depensa kong ikinangiti niyang napailing. "Okay then Mr. workaholic" tukso niya. "Pero bago iyon, ipapakilala muna kita sa mga kasama mo sa Neuro, though yung iba probably kilala ka na nila by name pero marami kasing bago kahit sa mga consultants" aniyang napatango akong nag ayos ng coat. Panay ang kwento ni Chris hanggang papuntang conference hall, pansin ko na ang grupo ng mga doktor mula sa transparent na opisina. Ilan nga sa kanila ay mga bago. "... sa neu

