*** Mabilis lumipas ang buwan. Hindi ko namalayang halos isang taon na rin magmula ng unang tapak ko sa ospital bilang isang residente ng Neuro Department. "Marg" ngiti ni Pam, kasamahan kong Senior resident ngunit sa Surgery Department. Napangiti akong naglagay ng gamit ko sa locker room. "Tayo pala ang partners" ngiti niyang muli na umaangkla sa akin. "Opo Ma'am, magalang na sagot ko. "Ma'am ka diyan!" irap niya, napailing akong natawa dahil ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siyang Ma'am or Doc Pam. Ayoko namang hindi magbigay galang dahil isa na siyang Senior resident. "Eh, nakakahiya po" sagot ko. "Ma'am na nga pino po mo pa ako" irap niyang muli. Nakilala ko siya ng minsang tumatambay ako sa Geriatric Clinic, madalas ay doon ako naglalagi o nagaaral habang nagiintay ng on call

