*** Napatingin ako sa matayog na gusaling ito. St. John Medical Center. Nakakatawang isipin na dati pumunta ako dito para kumprontahin si Mike, ngayon dito ako magreresidente. Ito ang ospital na nagbibigay ng pinakamagandang programa para sa mga gustong maging Neurologist or Neurosurgeon. Halos abot ko na ang pangarap kong muntik pang maudlot nuon. Napahaplos ako sa dibdib kong kinapa ang nararamdaman ko sa muling pagtapak ko dito sa Maynila. I moved on, but the pain is still there, kahit ilang taon na ang lumipas hindi ko iyon makakalimutan ang biglaang pagbabago ng buhay namin nuon, and at the expense of my father's life. Kung meron magandang naidulot man iyon ay mas maging matatag ako ngayon and having Gene. "So are you ready?" Napabalik ako sa ulirat. Tumango ako. "Go, susund

