*** Marg "Hindi ba mapupunit ang mukha mo sa kakangiti?" tanong ko. Isang ngiti lang din ang sagot niya. Nakahawak siya sa kamay ko habang hawak ang gear ng sasakyan. Maya't maya rin niyang inilalagay sa hita niya o humahalik sa likod ng palad ko. "I'm happy... hindi ko iyon maitago" tugon niya. Napangiti ako. Ako man din ay natutuwa sa nangyari ngayon, na kung tutuusin ay masyado ng matagal ang pag iintay ni Eugene. I know he will not hurt me, I trust him. "Babe" aniyang napasulyap ako sa gawi niya. "Babe naman ngayon, kanina baby" tukso ko. "Eh, pareho lang naman yun, babe or baby... ikaw naman talaga ang baby ko" sagot niyang ramdam ko ang kilig at saya sa dibdib. Napangiti akong napailing. "I love you babe at salamat" aniya habang humahalik sa kamay ko. "Mahal din kita Gene

