*** "Napagod yata si Tito" Tumango akong palabas kami ng kwarto ni Daddy. "Yeah, napagod si daddy but he's happy" tugon kong pababa kami ng living room. "I'm glad he enjoyed our outing" sagot ni Eugene. "Thanks Gene, salamat sa pag anyaya at pagplano nito, masyado akong busy lately, hindi ko na masyadong nailalabas si Daddy" ani kong yumakap dito. Masyado akong abala sa pagaaral ng huling taon ko ng medisina at sa trabaho ko. "It's okay, wala naman akong masyadong gawa sa office, naisipan ko lang lumabas kasama ka at si Tito Art, saka busy naman din si Jude tsaka si Myles" aniyang iginiya ko sa sofa. Napangiti ako. Sa ilang taon na nakalipas, hindi pa rin nagbabago ang pakitungo ni Eugene kay Daddy. "Dito ka na magdinner, ako ang magluluto ngayon" aya kong napangiti siya ng malapad

