Marg *** "Gene..." bulong ko habang itinataas ang isang bahagi ng braso niya para makuhaan ng tamang temperatura. Gumalaw naman siya ng bahagya. Pagtingin ko sa temperature niya ay napahinga ako ng malalim. Maigi na lamang at bumaba ang lagnat niya. Sinapo ko ang noo niyang medyo pinagpawisan na siya. "M-marg..." bulong niyang pilit na umuupo ngunit pinigilan ko. "Wag ka munang bumangon" ani kong naglagay ng isa pang unan sa ulunan niya para mapahiga ng ayos, kailangan ko siyang bihisan para di matuyuan ng pawis. Inangat ko ang kamay niyang halatang hapo pa siya ngunit nasunod naman. Pinunasan ko ng bahagya ang likuran at leeg niya at saka siya pinasuotan ng bagong t shirt. "I-I'm sorry" rinig kong bulong niya. "Shh, ako nga dapat ang magsorry... kung bakit ka naman kasi nagpaulan

