***
Mike's POV
It's been almost two years. Halos dalawang taon na ang nakalipas magmula ng iwan ko si Marg, and until now masakit pa rin.
Napahilamos ako ng mukha kong ramdam ko ang pagod. My life is completely miserable. I made the wrong decision, akala ko ito ang nakakabuti sa amin lalong lalo na sa kanya. I still vividly remember her face bago ako umalis. How stupid of me! I will regret this for the rest of my life!
"Paging Dr. Montecillo, to Emergency please"
Rinig ko ang paging sa ospital at tunog ng bleeper ko.
Napatayo akong kinuha ang white coat ko. This is my diversion sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. My life is complete mess.
Sana lang ay hindi ko pinagana ang rasyonal kong pag iisip at sinunod ko na lamang ang puso ko. Nagsisi ako! Nagsisisi talaga akong iniwan siya!
Ramdam ko ang pagiinit ng sulok ng mata ko. Hanggang ngayon ay di ko matanggap ang pagkakamaling nagawa ko.
Flash back
"What do you mean Michelle?" diretso kong tanong sa kapatid ko.
"Uh...ah. Eh k-kuya"
Hindi ko napigilang lumapit pa.
"Michelle!"
Ramdam ko ang takot sa mukha niya.
"Eh k-kuya kasi po..."
Napalukot ako sa mukha ko sa frustration.
"Anong ibig mong sabihin na hindi mo nakikita si Marg sa University?!" hindi ko na napigilang sigaw.
"Michelle!"
"Wala na siya Kuya, hindi ko na siya nakikita doon, pagkatapos mong umalis, ilang buwan ko siyang hindi nakikita kaya pumunta ako sa block niyang nag drop daw siya ng subjects niya at kumuha daw clearance sa school" paliwang nitong medyo nanginginig pa.
"What?!" ani kong ramdam ko ang frustration.
"K-Kuya please wag kang magalit... m-may sasabihin pa po ako" aniyang medyo naiiyak pa.
Halos nagiigting ang panga ko sa galit. What the hell is happening?This is not what I planned for! Babalikan ko siya kapag naayos ko na ang mga problema sa ospital! Minamadali ko iyon!
"A-ano yun?" ani kong mas malumanay na pilit kumakalma ngunit parang sasabog ang dibdib ko. I thought this the best for her. Ang ipagpatuloy ang pagaaral niya at ang pangarap niya!
"Please don't tell dad na sinabi ko sayo. I heard from one of her classmate that she lose her scholarship" aniyang napaupo ako sa sofa. Ramdam ko ang init ng mukha ko sa galit. I'm trying to do what's best for her yet it ruined everything. I can't imagine kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Naninikip ang dibdib ko sa frustration at galit.
"K-kuya..."
"P-paano nila ito nagawa sa amin? hindi tumupad si daddy sa usapan?" halos naghihina kong bulong sa sarili.
"Kuya..." halos nanginginig na ani ni Michelle.
Umangat ako ng tingin kahit alam kong namumula ang mata ko. Hindi ko maitago ang sama ng loob ko at hinanakit ko. Kuyom ang palad ko, nagawa ko naman ang usapan namin ni Daddy naiangat ko ang ospital, I liquidated some of our assets sa mas mataas na presyo.
" I have to see her..." usal kong bulong na napatayo. I need to see her.
"Kuya" ani ni Michelle na humawak sa braso ko.
Kumalas ako.
"Kuya hindi ka pwedeng umalis... si Daddy" aniyang pigil.
"Damn it!" ani kong kumalas.
"Mike!" Si Mommy na kasunod si Daddy at Ate Elaine.
"Anong nangyayari? Bakit mo sinisigawan ang kapatid mo?!" ani ni mommy.
Lumingon ako sa gawi nila.
"Why did you do it?" abante ko kay Daddy na humawak si Mommy sakanya.
Hindi umimik si Daddy na nakatitig lang sa akin.
"Why did you do it Dad?!" sigaw kong ramdam ko ang malakas na sampal ni Mommy. Rinig ko ang iyak ni Michelle na yumakap kay Ate Elaine.
"Bastos ka! Respect your dad Mike!" sigaw ni mommy.
Napahawak ako sa pisngi ko. Kuyom pa rin ang palad ko sa galit.
"How dare you? Because of that woman, sinisigawan mo ang daddy mo?!" ani pang muli ni Mommy.
"Jean..." ani ni Daddy.
"Hindi kayo marunong tumupad ng usapan! Sabi ninyo hindi ninyo gagalawin ang scholarship ni Marg! Ginawa ko ang pinapagawa ninyo Dad! Even beyond sa pinapagawa ninyo! How could you do this to us? Alam ninyong mahal ko si marg!" hinanakit ko.
"Ang ama ng babaeng iyon kung bakit tayo nahaharap sa krisis ngayon! Wag mong kalimutan iyon!" sigaw ni Mommy.
Napailing akong napasuklay sa buhok ko.
"Hindi ko nakakalimutan iyon ' My, pero sana naman wag ninyo ring kalimutan na ang may punong gawa nito ay si tito Manny... wala pa nga kayong konkretong ebidensya na kasabwat si Tito Art" ani kong lumabas ng bahay.
"Mike!"
Hindi ako lumingon.
"Come back here Mike!"
***
The number you are calling is out of reach at his moment. Please try again later.
Paulit ulit iyon.Halos maghapon kong dinadial ang numero ni Marg, ngunit out of reach pa rin. Napahilamos ako ng mukha kong napaupo sa isang bench sa isang park malapit sa tinutuluyan namin.
Pati ang numero ni Tito art ay out of service din ganundin kay Ate Myles. Pakiramdam ko mababaliw ako.Gusto kong manuntok para mailabas ang frustration ko. Nanlulumo akong ramdam ko ang bigat sa dibdib ko ng mabalitaan ko ang pagtanggal kay Tito Art sa trabaho.
Damn!
Pati ang mga social accounts ni Marg ay deactivated na rin.
I don't know what to feel except that my heart is literally breaking. Parang di ako makahinga sa lahat ng ito.
"Mike..."
Napalingon akong tumabi si Ate Elaine.Humawak ito sa kamay ko.
"Go after her..." aniyang napalingon ako.
Napahinga ako ng malalim.
"I will Ate... I can't believe na magagawa nila daddy ito sa akin. I hope I am not late" ani kong di ko napigilang maluha. Yumakap ito sa akin.
"Go... ako ang bahala sa passport and ticket mo, I'll find a way na makuha iyon" aniya.
"Salamat Ate"
I was too late. Wala na sila sa tinitirhan nila, nabalitaan kong naibenta iyon at mas masakit pang nagkasakit daw si Tito Art. I am literally going crazy sa paghahanap sa kanya... sa kanila.
"Ate..."
"Mike you have to come here... Si Tito nasa ICU" ani ni Ate Elaine na umiiyak.
Gulong gulo ako.
Hinanap kong muli sila sa pwede nilang tuluyan ngunit ayaw pumayag ng pagkakataon.
Tumawag si Mommy na umiiyak.
"Please Mike, come home... we need you here" aniyang bumalik ako ng US.
"What's the case?" tanong kong tiningnan sa chart ng pasyente sa isang monitor.
"RTA Sir, CT Head is ordered and done, you might want to check the result in the monitor. Severe concussion, and bleeding on the occiput area...." paliwanag ng Orthopedic doctor.
Binasa ko iyon. Ito ang naging diversion ko ng ilang taon, nagpalit ako ng residency ko, nagaaply ako sa Neurology Department... yun ang pangarap ni Marg, maging neuro surgeon.
Inubos ko ang oras ko sa ospital, may pagkakataon akong umuuwi sa PIlipinas na nagbabakasakali makita ko uli si Marg. I am still devastated inside.
Nakarecover ang ospital namin ngunit pagkalipas ng isang taon ay nagkakrisis muli. Si Ate Elaine ang umuwing nangasiwa doon, nagpatuloy ako ng residency ko kasama si Michelle at magulang ko. Nagkasakit si Daddy at kailangan niya ng treatment dito sa US.
Pagod akong napahiga sa Oncall room. Binuksan ko ang telepono kong tiningnan at pinanood muli ang mga videos at litratong kasama ko si Marg...My Margarette.
***
-tbc-