Almost Over You 7

1452 Words
Marg POV * A year and a half later... " Gene!" Nakangiti itong pasalubong sa akin. Napayakap ako. "I know... I know, nabalitaan ko na" sagot nitong natatawa. "Thank you!" ani ko pang muli. "Hindi thank you yun! Treat mo ako!" tawa nito. "Oo naman, kahit saan mo gusto" sagot kong umangkla dito. "Talaga?" aniyang nakangiti ng malapad at nakataas pa ang isang kilay. "Yup, kahit saan mo gusto dahil utang ko lahat sa iyo 'to!" ani ko pang muli habang naglalakad kaming palabas ng opisina. Huminto itong humarap sa akin. "No, don' think that way... dahil sayo yan. You're hardworking , smart and persistent. Lahat ay dahil sa pang sarili mong pagsisikap" aniyang inangatan ko ng tingin. Napangiti akong yumakap. "Still, I want to thank you. Malaking tulong ka para sa amin, you helped us out. Malaki ang utang na loob ko sayo 'Gene" bulong ko. Ramdam ko ang paghaplos nito sa likod ng buhok ko. "It's my pleasure to help you Marg,  you know that" mahinang sagot nito. Ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso nito. "Let's go. I celebrate natin ang pag close mo ng deal sa isang kliyente mo" aniyang hawak sa kamay ko. Nagpatianod ako, it feels good na mayroong katulad ni Eugene na isa sa pinakamalapit sa akin ngayon. Isang taon at kalahati na ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa akin ang mga nangyari at naranasan namin. Bagyo iyon. Tumulong ako kay Ate Myles, naghanap ako ng trabaho, nag double job ako bilang pharmacist sa isang parmasiya at med rep na rin sa kumpanya nina Eugene. Siya rin ang nagpasok sa akin bilang pharmacist sa isa parmasiya ng tiyahin niya. Napangiti akong naalala ang interview ko noon sa kanya bilang Med Rep. "Nakangiti ka?" komento nito ng iginiya ako sa sasakyan niya. "Naalala ko lang nung interview ko sayo" sagot kong napangiti. Napailing itong napangiti ng tipid. Pansin ko ang sandaling pag blablush niya. "Eh... wala akong maisip tanungin sayo noon eh, alam ko namang qualified ka" sagot niyang napahawak sa batok niya. "Yeah, at ang requirements mo lang eh tanggalin ko ang nakakabit na kuya sa pangalan mo" ani kong napatawa. "Oo na" aniyang iginiya ako paloob at saka umikot sa driver's seat. Kuya Jules' family welcomed us in Davao. Sa kabila ng lahat ay nagpapasalamat akong pagkatapos ng isang taon mahigit ay mas kumportable na kami ni Daddy ngayon. Ayokong iasa ang lahat kay Ate, pamilyado na siya. Kung maari ay ayaw ko ng balikan ang yugtong iyon ng buhay namin. Masyadong masakit, may pagkakataon pang halos panghinaan ako ng loob. Huminto ako ng pagaaral ko ng medisina ng isang taon. Nagtrabaho ako, masyadong malaki ang maintenance ng gamot at therapy ni daddy. May pagkakataon pang naospital siyang muli ng ilang beses. Maraming beses at ilang buwan ko pa ring iniyakan si Mike, hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit at galit. Galit sa kanya at sa pamilya niya. Wala akong inaksayang oras ng panahong iyon. Wala akong panahong magpahinga at isipin ang nangyari sa nakaraan. Kasabay ng pagharap ko sa sitwasyon namin ngayon ay ang pilit kong paglimot kay Mike. "Nakakunot noo ka na naman" Napabalik ako sa ulirat sa komento nito habang binabagtas namin papunta sa kakainan namin. Umiling ako. "May naalala lang" mahinang sagot kong ngumiti ng tipid. "He's so damn lucky" bulong nitong napalingon ako. ""Gene..." "I know, don't worry I get it" aniyang ngiti. Madalas ay ramdam ko ang pagpapahaging ni Eugene ngunit hindi pa ako handa. Ayaw kong maging unfair sa kanya at gamitin siya para makalimot kay Mike. Kahit papaano ay unti unti ko ng natatanggap ang nangyari ngunit ayaw ko pang sumuong sa isang relasyon o tumanggap ng manliligaw. Alam kong naintindihan ni Eugene iyon. Malapit si Eugene kay Daddy at kina Ate, kaibigang matalik siya ni Kuya Jues. Madalas noon kapag may pasok ako at hindi pwede si Ate ay siya pa ang sumasama kay Daddy sa therapy niya, siya rin ang kasa kasama ko ng naospital si daddy ng ilang beses. Siya rin ang tumulong sa amin para makasettle ng maayos dito sa Davao. Kilala ko naman na siya dati pa dahil kay Kuya Jules ngunit ngayon ko lang siya mas higit nakilala pa ng husto. Isa siya sa tumulong sa aming makabangon. I owe him a a lot, kaya ayaw ko ring saktan siya o maging unfair sa kanya. "By the way, nakausap ko na yung nag aaply as private nurse ni Tito Art" aniya. Magmula ng nag enroll akong muli ay kinailangan kong kumuha ng kasama namin sa bahay para kay Daddy. "Salamat Gene" ani kong humawak sa kamay nitong nakahawak sa gear ng sasakyan niya. Ngumiti ito ng malapad. "Dito tayo?" tanong ko ng ipinarada nito ang sasakyan niya malapit sa isang karinderya na malapit sa pinapasukan kong University. "Lunch lang ito, mamya may dinner pa" tawa nitong pinagbuksan ako ng pinto. "Namiss mo lang ata si Aling Maria eh" biro ko. "Hindi no, espesyal sa akin ang lugar na ito... kaya dito na tayo" aniyang ikinapulahan ng mukha ko. Dito kami unang kumain na kaming dalawa lang. "Naku! Naku! Naandito na pala ang lovebirds ko!" biro ni Aling Maria. "Anong sa atin?" tanong niyang muli na iginiya kami sa bakanteng mesa. "Dating gawi po tsaka Durian Hopia para kay Marg" sagot ni Eugene, napangiti ako dati kasi ayaw ko ng durian hanggang nasanay na ako at hinahanap hanap ko na. * "So papaano mo nakumbinsi ang kliyente mo?" tanong niya habang ipinaglalagay ako ng kanin sa plato ko. "E di katulad ng tip na sinabi mo, kinamusta ko muna ang mga anak niya, kwinentuhan ko muna ang asawa niya at saka ko ipinasok yung inaalok kong mga medical supplies" sagot ko. "Hmm, yeah family man kasi yun si Mr. Narciso" sagot niyang ipinagbubukas ako ng straw ngunit kinuha ko ito sa kanya, pagkatapos kong punasan ang plato at kutsara namin. "Ako na" ani kong kinuha ito sa kanya. Naglagay ito ng ulam sa plato kong hinawi ang ayaw kong gulay doon at inilagay sa plato niya. Napangiti ako. "Ako na ang maghihimay niyan" aniya sa sinugbang isda. Mabait si Gene, maasikaso, matalino at may hitsura. Matangkad din itong pares ni Mike. Kahit sinong babaeng makakatuluyan nito ay swerte sa kanya. Masyadong maalalahanin... mabuting tao. "U-uhm, Gene... wala ka ba talagang natitipuhan na ibang babae?" diretso kong tanong. Umiling ito. "I am waiting for you" diretso din nitong sagot. "Papaano kung hindi na magbukas ang puso ko?" tanong kong muli. "Still, I'll gonna wait for you" aniyang sagot muli. Napabuntong hininga ako. "Gene... kung meron pa naman iba-" ani ko ng sumabad agad ito. "Don't ruin our lunch Marg, hindi naman kita prinepressure, hindi pa nga ako nanliligaw binabasted mo na ako" aniya habang sumusubo. Hindi ako nakakibo. "I am not expecting anything. I am willing to wait till you're healed. I am enjoying what we have, what you can offer kaya don't overthink okay? Marami ka ng iniisip ayokong makadagdag pa, basta naandito lang ako, wag mo akong paalisin sa tabi mo, masaya na ako doon" aniyang humawak sa kamay ko. Tumango akong ngumiti dito. * "Akala ko ba treat ko?" tanong ko ng inunahan akong magbayad kay Aling Maria. "Sa dinner ka na lang mamya magbayad" aniyang akay sa akin patayo. "At saan naman iyon?" halukipkip kong tanong. "Basta, tsaka nagpaalam na ako kay Myles tsaka kay Jules" sagot nito. "Hindi ba kamahalan doon?" tanong kong muli. Natawa ito. "Ang laki kaya ng komisyon mo, barya lang yun sayo!" tawa nito. Napairap ako. "Promise, maganda doon chill ka naman paminsan minsan eh puro ka trabaho eh" aniyang muli. "I'll pick you at eight okay?" Napatango akong inihatid sa bahay. Sumabay itong pumasok sa bahay. Lumuhod ito sa harapan ni Daddy na nagmano. Napangiti ako sa gawang iyon ni Eugene, lagi siyang ganoon matiyaga at magiliw kay Daddy. " Inihatid ko lang po si Marg" aniya kay Daddy. Silay ko ang tango ni Daddy sa kanya. "I'll go and by the way, ipinapabigay ni mommy" aniyang abot sa isang paper bag. "Pakisabi salamat, nag abala pa" sagot kong kinuha iyon. "Alam mo naman si mommy eh mukhang mas anak pa ang turing sayo kaysa sa akin" aniya. Mabait ang pamilya ni Eugene, magiliw ding pares niya ang Mommy nito. "Eh ang linya nun, eh ito para kay Marg... patikimin mo si marg nitong bagong bake ko, gusto ba ni Marg ng ganito?" aniyang ikinatawa ko. "I'll go, maghahanda pa ako mamaya eh" aniyang paalam na inihatid ko sa labas. Yumakap ako. "Thanks Gene" ani kong napapikit. "You're always welcome Marg..." bulong nitong ramdam ko and paghalik nito ng marahan sa tuktok ng buhok ko. *** -tbc-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD