***
Marg POV
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, I have to give up everything.
Nag ayos ako ng ilang gamit sa kwarto kong nagsalansan ng ilang medical books at gamit kong pampasok. Kailangan kong huminto sa pagaaral. Nagdesisyon si Ate na lumipat kami ng Davao kung saan sila ni kuya Jules naka based.
Nakita ko ang ilang gamit kong bigay ni Mike. Pigil ang luha kong inilagay iyon isa isa sa garbage bag. Lahat,lahat... pati ang mga litratong kasama ko siya. I want to forget him... real fast.
Kung nakayanan niya akong iwan, siguro naman ay makakamove on rin ako. Mas marami akong bagay na kailangang pagtuonan ng pansin ngayon, mas importanteng bagay. Ang kundisyon ni Daddy at kung papaano ako makakatulong kay Ate sa medication ni Daddy at sa pang araw araw naming gastusin. Lahat nawala sa amin, kasama non ang mga mahalagang bagay para kay Daddy, mga naipundar niya ng buong buhay niyang pagtratrabaho.
Ramdam ko ang pait ngunit naandito na ito, wala akong choice at hindi ako pwedeng maging mahina sa panahon ngayon. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan nito pagkatapos.
I want a new life... a new beginning. Kailangan kong pairalin ang isip ko ngayon at balewalain ang sakit sa puso ko.
I am still broken inside.
I am shattered into pieces. I need to gather myself from that stupid heartache.
I don't want to become miserable again, not in our state right now.
Napatingin ako sa huling litratong kasama ko si Mike. Kuha iyon sa Baguio ng may out of town kami.
I can still feel the pain, ramdam ko ang pagtulo ng luha ko.
"Hindi ko alam kung minahal mo ba talaga ako" bulong kong ramdam ko bara sa lalamunan ko.
Whatever the reason... I still hate him. Ibinasura ko ang natirang litrato namin.
"Marg..." mahinang boses ni Ate Myles. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na nakatayo sa pinto ko.
Yumakap ito.
"I'm sorry" aniyang napahagulgol akong muli. Abnormal na ata ang lacrimal glands ko at hindi natutuyo ang mata ko at sobra pa rin ang agos ng luha ko, halos dalawang buwan na akong ganito.
"Ansakit Ate" bulong ko.
"Shh, you'll recover soon..." aniyang alo sa akin. Napangiti ako ng may pait.
"Pasensiya ka na, kailangan nating lumipat" aniyang humawak sa kamay ko.
"Naintindihan ko ang sitwasyon" sagot ko.
"Naayos ko na ang mga papel ko sa school Ate" dagdag ko.
"Pwede mo pa rin namang ituloy yan sa Davao, pagtutulungan natin" aniyang malumanay.
Umiling ako.
"Tutulong muna ako, then I'll find a way para makapag enroll muli" sagot kong umiling si Ate.
"No Marg... hindi ka hihinto"
"Ate... naintindihan ko ang sitwasyon, marami tayong kailangan at mas importanteng gastusin ngayon, makakapaghintay ito. I have my degree already " na ang tukoy ko ang pre med kong kurso.
"... then kapag medyo maayos na mag eenroll ako uli" ani kong yumakap ito.
"I'm sorry..." ani kong yumakap pabalik.
"Salamat na lang at naandyan ka at si Kuya Jules, malaking bagay na rin na makalipat ng lugar si daddy, to start anew... stress siya dito" ani kong tumango ito. Napatingin si Ate Myles sa basurahang hawak ko.
"I have to get rid all of these, ito ang dapat" ani kong nagpaliwanag na nagpatuloy sa pagliligpit ng mga gamit ko ng bumukas ang pinto ko.
"May kakargahin pa ba?" Si Kuya Eugene.
"Ito na lang po kuya" turo ko sa maleta ko at ilang karton na kung nakasalansan ang mga gamit kong pang aral.
Ngumiti ito.
"Myles, hinahanap ka ni Jules sa baba" aniyang baling kay Ate na nakatungo sa kama ko. Ramdam ko ang pakikisimpatiya ni Ate sa akin.
"Ha? O siya, salamat Gene" ani ni Ate na lumabas.
*
"Pharma pala ang pre med mo?" biglang tanong ni kuya Eugene sa tabi ko.
"Opo"
Tumango itong kinarga ang karton.
Napatingin ako sa kwarto ko ng huling beses. Dito ako lumaki at nagkaisip.
Napabuntong hininga ako.
"I know it's hard, pero I'm sure magugustuhan mo ang Davao" ani ni Kuya Eugene na nasa tabi ko. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko siya. Nakapamulsa ito.
Napangiti ako ng tipid.
"Davao is better than Manila, at makakabuti iyon kay Tito Art, new scenery, new environment para sa therapy niya" aniya pang muli.
Tumango akong umayon.
"Salamat po" sagot ko.
Tumango itong humaplos ng marahan sa balikat ko at saka naunang bumaba.
*
Lumuhod ako sa harapan ni Daddy. Nakawheelchair ito.
Lumingon kami ng huling beses sa bahay. Kahit di sabihin ni Daddy ramdam ko ang lungkot niya. Pinunasan ko ang takas na luha nito sa mata niya.
"We'll start anew Dad, I promise you mababawi rin natin ang lahat ng ito" mahinang sabi kong humalik sa noo niya at kamay.
Humawak itong humaplos sa kamay ko. Inabot ko itong pumisil sa kamay niya.
"I love you Daddy and I'm sorry" ani kong humalik sa palad niya. Hemiplegic si Daddy, meron siyang deficit sa kalahati ng katawan niya, medyo hirap din siya sa pagsasalita.
"I'll gonna take care of you Dad..." bulong ko bago ako tumayo para maipasok nasiya sa sasakyan
***
-tbc-