bc

Chasing the Breeze of the Seas

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
drama
bxg
lighthearted
genius
city
friendship
love at the first sight
shy
like
intro-logo
Blurb

A story of life, hope, and love.

Si Lena Avedilia ay isang babae na nagmula sa probinsya. Siya ay marangal sa trabaho at masipag. Isang araw ay bigla nalang siyang pinalayas ng kaniyang ina sa hindi kaalam-alam na dahilan. Napipilitan siyang lumayo at nabibiyaang natanggap bilang isang maid sa isang bahay sa Ilocos Norte. Doon naman niya makilala ang isang mayamang lalaki na akala niya'y magpapakamatay sa Patapat Bridge ngunit hindi pala.

That was when everything turns, like a twist of fate.

(This is a fanfiction)

chap-preview
Free preview
Prologue
“Ma, ayaw ko po kayong iwanan. Maawa ka.” humahagulgol ako habang hawak ko ngayon ang bag ko. “Kailangan mong lumayo dito. Hinahanap nila tayo!” sigaw niya. Patuloy bumubuhos ang mga mainit kong luha at nararamdaman kong umagos ito at mahulog sa paa ko. Yumuko ako at napapikit ng mariin. Ayaw kong umalis dito sa pamamahay namin dahil ayaw kong umalis na wala si mama. Siya lang ang kasama ko at wala nang iba pa. “Sino po ba kasi ang naghahanap sa’tin, ma? Baka may maitulong ako, basta huwag niyo lang po akong paalisin ng mag-isa. Maawa po kayo.” pilit ko siyang iniyakap pero itinulak niya ako. “Hindi tayo mabubuhay kapag mananatili ka dito! Naiintindihan mo ba ’yan, Lena? Huwag magmamatigas ng ulo. Umalis ka na!” tugon niya. Lumakas ang hagulgol ko nang hinila niya ako gamit ang kamay ko papalabas ng bahay. Itinapon niya ang mga gamit ko sa sahig at itinulak niya ako hanggang sa nararamdaman ko ang pagpatak ng ulan. “Ma...” patuloy na anas ko sa kanya. Nakikita kong nagdadalawang-isip ang ekspresyon niya. Umawang ang bibig niya na parang may sasabihin ngunit hindi na niya itinuloy at tuluyang pumasok sa bahay. Bago niya isinara ang pintuan ay nakita kong sumilip siya sa’kin at may munting luha ang tumulo sa mata niya. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang bag ko. Hindi ko akalaing darating din ang panahon na pilit akong aalis na mag-isa. Nagsimulang magdesisyon si mama na dapat ay aalis ako patungong Ilocos Norte para magtrabaho noong nalaman niyang may sakit ako sa puso. Oo, inaamin ko na bilang nalang ng mga buwan ang buhay ko ngayon. Wala akong sapat na lakas upang lumaban ngunit may sapat na tatag naman ako para hindi sumuko sa buhay. Napagdesisyunan rin niya na sa Ilocos Norte ako magtatrabaho dahil nandoon ang kilalang doktor na makapagpagamot sa sakit ko. Saka sapat rin ang mababayaran ko dahil nagbibigayay pupuntahan na rin ako na bahay para magtrabaho bilang maid sa isang malaking mansion. Doon muna ako mangungupahan para makapag-ipon ng pera para sa mga kakailanganin ko. Ang hindi ko maiintindihan ay kung bakit ayaw sumama ni mama sa’kin at gusto niyang magpaiwan ng mag-isa dito sa bahay. At may sinasabi rin siya tungkol sa may naghahanap raw sa amin, ni hindi ko nga alam kung sino o ano. Mas kinakabahan ako sa sitwasyon ni mama. Ngunit wala na akong ibang paraan para tumutol sa kagustuhan ng ina ko. Para rin naman ito sa akin kaya dapat ay makauwi ako dito kapag darating na ang panahon. Kapag wala na akong sakit at sa halip ay may ayos na trabaho na. Hindi ako makapaghintay. Bumuntong-hininga nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Ilang oras rin ako sa byahe at barko ang sinasakyan ko. Halos umabot ng isang araw at nananatili lang ako buong magdamag sa pinakamura na cabin, sa mga nakahanay na double-decker na higaan. Hindi ako kumain dahil hindi naman ako gutom. Kapag sumapit na ang gabi ay panay ang pag-iyak ko mag-isa. Sa Cebu kami namumuhay kahit mahirap. Sa probinsya, hindi mo maiko-kumpara ang buhay laban sa syudad. Minsan ay natatanga nalang ako dahil hindi ako sanay makisalamuha sa mga tao. Hindi ako sanay na may kausap, si mama lang talaga. Eksaktong alas-tres na ng madaling araw nang napag-desisyunan kong tumayo muna para magpahangin saglit. Natutulog na ang mga tao ngunit naka-on naman ang kanan at kaliwa na mga TV. Naka-set lang ito sa advertising channel. Lumabas ako sa cabin at agad kong nararamdaman ang malamig na ihip ng hangin at binaon ng kadiliman ang paligid. Tanging ang dagat barko lang ang maliwanag habang mabilis ang pagtakbo neto. Itinungkod ko ang mga kamay ko sa railings at tumingin sa ibaba. Itim ang kulay ng tubig kaya nangingilabot ang katawan ko dahil iniisip ko kung gaano ito kalalim. Wala rin akong planong magpapakamatay noh! Mahal ko ang buhay ko dahil ibinigay ’to ng Panginoon sa atin. Minsan, iniisip ko na nabubuhay ako dahil sa isang misyon. At ang misyon na iyon ay ang pagsilbihan natin Siya bilang ang ama ng lahat. At tayo naman ay ang kanyang tagapagsunod. Naniniwala ako sa mga himala kaya hindi talaga ako nawalan ng pag-asa sa aspektong kakayanin ko ito at balang araw ay matatalo rin ang sakit ko. Naniniwala ako na isa akong malakas na tao. Kakayanin ko ang bawat hadlang at pagsubok na mailahad sa akin. Hinding hindi ako susuko kailanman. Ilang oras rin akong nagmumuni-muni hanggang sa hindi nalang ako natulog. Naligo muna ako at nagpalit ng damit. Suot ko ngayon ang isang mataas na palda at malaking puti na t-shirt. Naka-tsinelas lang ako at inilugay ko lang ang buhok ko. Dala-dala ang bag ko, nauna akong bumaba sa barko nang dumaong na ito. Amoy na amoy ko ang malinis na hangin at nababad ako ngayon sa init ng araw. Napaawang ang bibig ko nang makita kung gaano kaganda ang Ilocos Norte. Hindi ko alam kung saang parte ito ngunit napamangha ako sa kalidad ng lugar. Wala akong cellphone ni isa dahil hindi ko rin alam kung paano gamitin iyon. Okay lang din naman sa akin dahil may mapa naman ako. Pero hindi pala ako marunong magbasa ng mapa. Napabuntong-hininga nalang ako at nagsimula nang maglakad. Paano kung mamasyal muna ako noh? Gusto kong libutin ang lugar na ito para malaman ko ang mga daanan. Pero ang tanong, saan naman ako mauuna? Maraming nag-aaya ng tricycle ngunit umiling lang ako. Mas gusto ko pa kasing maglakad ngayon para exercis na rin. Unti-unti ko na ngang nalimutan na may bigat na problema pala akong dinadala ngayon. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Malinis na malinis at walang kalat kahit saan. Naglalakad lang ako at hindi naman ako nakaramdam ng pagod dahil nasasayahan ako sa trip ko at may dala rin akong maraming tubig. “Ano to..Ang ganda...” mahinang sabi ko sa sarili ko at napaawang ang bibig. Nasa entrance yata ako ng isang mahabang tulay. Naglalakad lang naman ako pero parang naabutan ko yata ang isa sa mga destinasyon ng mga turista na bumibisita dito. “Waah! Patapat Bridge, here we come!” napatalon ako sa gulat nang may dumaan na van na maraming mga tao. Malakas silang sumisigaw dala-dala ang mga camera nila kaya napansin ko kaagad. Patapat Bridge? Tumatango-tango ako at hinawakan ng mahigpit ang shoulder bag ko dahil parang mapupunit na yata ang handle neto maya-maya dahil sa bigat ng mga damit ko. Wala na kasi akong ibang bag at ilang taon na rin ito. Patuloy lang akong naglalakad pero kumunot ang noo ko nang mapagtantong walang ni-isang tao ang naglalakad dito. Tahimik na tahimik at tanging ang ingay lang ng alon ang maririnig ko. Sa gilid naman ay ang mga malalaking bulubundukin yata, hindi rin ako sigurado. Mainit ang araw pero nakakayanan kong maglakad ng nakababad neto. Dahil sa ganda ng mala-letrato na lugar na’to ay agad akong napakalma. Sa dinami-rami ng mga lugar ng probinsya namin, walang mas maiganda na iba pang mga destinasyon laban sa Ilocos Norte. Kino-komperma ko na ito ang pinakanagustuhan kong lugar. Nakangiti akong naglalakad ngunit natigilan rin nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa holdings ng bridge. Nanlakihan ang mga mata ko sa gulat kaya dali-dali ko siyang tinakbuhan. “Hoy! Bumaba ka, jusko!” sigaw ko sa kanya. Sinenyasan ko siyang bumaba nang tumingin siya sa’kin. Hala, guwapo. Huwag kang magpapadala, Lena. Dapat maipababa mo siya! “Anong ginagawa mo diyan?! Baka mahulog ka po, kuya. Jusko, kung magpapakamatay ka, huwag mong ituloy!” sabi ko. Nakatingin na siya ngayon sa pwesto ko ngunit hindi pa bumaba kaya mas nag-aalala ako. “Kuya?” nagtatakang tanong niya. “H-hindi ko kasi alam kung ano ang itatawag ko sa’yo dahil hindi kita kilala ngunit, bumaba ka diyan. Delikado, baka mahulog ka!” anas ko. Bigla siyang tumawa ng malakas dahilan para mas nanginginig na ako sa kaba. May sakit ba ’tong lalaking ’to? Hindi niya ba ako naiintindihan? “A-alam kong mahirap ang buhay ngunit...hindi kamatayan ang solusyon kuya. Alam kong may mahirap kang pinagdaanan sa buhay pero, laban lang! Bumaba ka na, sige na po...” pagmamakaawa ko ngunit mas humahalakhak lang siya. Naman oh! “What a funny lady,” narinig kong sabi niya. Kumunot ang noo ko dahil wala akong naiintindihan. “I’m not attempting suicide miss, don’t worry.” tugon niya at ngumiti sa’kin. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at tumingala sa langit. “S-suicide? Ha?” nauutal na tanong ko. Hindi ako nakapag-aral dahil wala kaming sapat na pera kaya kung nag-eenglish siya, sorry nalang. Napatili ako sa pwesto ko nang bigla nalang siyang tumalon sa harapan ko. Napabuntong-hininga ako dahil sa wakas, sinunod niya ang utos ko. “Ikaw kuya ah, huwag mong gagawin ’yon sa susunod. Hindi kita naiintindihan ngunit isa lang ang masasabi ko, ingatan mo ang buhay mo dahil binigyan tayo ng pagkakataon sa Panginoon para mabuhay.” sabi ko pa na ikinakunot ng noo niya. “What?” kunot-noong tanong niya. “Basta. Yon na ’yon. Nakakapagod ulitin.” maasim akong tumawa. “O siya, dadaan lang ako.” Hinahaplos-haplos ko ang kamay niya dahil malapit lang kami at yumuko. “Salamat dahil sinunod mo ang sinabi ko. Sana magkikita tayo muli.” ngumiti ako ng sinseridad sa kanya at tumitig sa mga mata niya. Natigilan rin siya ngunit agad hinila ako papalapit sa kanya. Nanlakihan ang mga mata ko nang mapagtantong halos nagkadikit na ang mga ilong namin. Inilibot niya ang mga kamay niya sa bewang ko kaya hindi ako makapag- galaw kahit sa maliit lamang. Pilit ko siyang tinulak ngunit mas humigpit pa ang yakap niya sa’kin. Naaamoy ko ang alak sa kanya. Lasing ba siya? Sa madaling araw? Walang lumabas na salita sa bibig ko dahil sa inakto niya. Nag-aabang lang sa kung ano ang susunod na gagawin niya. “You’re pretty, my lady. What’s your name?” tanong niya. “Ha?” “Sweetie, this is a great opportunity to meet you at the right time. My name is William Vincent Marcos. May I know what’s yours?” “A-ano?” Ano ba ang pinagsasabi niya?! Hindi ko maiintindihan! Magsasalita na sana ako nang may biglang sumigaw sa likuran ko. Isang boses ng babae. “Vinny?! Ikaw ba yan?!” sigaw neto. Lilingon sana ako para tignan kung sino ang nasa likuran ko ngunit hindi natuloy nang hapitin ako ng lalaking nasa harapan ko papalapit sa kanya hanggang sa... Agad nagkadikit ang mga labi namin. Nanlakihan ang mga mata ko nang hinawakan niya ang buhok ko gamit ang kanang kamay niya at mas inilapit pa ang mukha namin kasabay ng pagdiin ng halik niya sa’kin. Pumikit siya ng mariin ngunit ako naman ay titig na titig sa kanya. Agad nabingi ang paligid. Tanging ang ingay lang ng mga ibon at alon ang naririnig ko at natahimik rin ang babae sa likod. Kasabay iyon ay ang talampak ng sapatos papalayo kaya siguro ay umalis na. Ang masasabi ko lang ay... Sa ilalim ng madaling araw, kinuha niya ang unang halik ko. Nyemas! Malakas ko siyang itinulak papalayo sa’kin. Nakita kong napasandal siya sa holdings ng bridge at napaawang pa ang bibig. Nagliliyab ng galit ang katawan ko at agad ko siyang pinapalo-palo ng malakasan sa braso niya. “Oww! Stop!” natatarantang sabi niya at umiwas ngunit nasampal ko parin pati mukha niya. “Bastos! Walang modo! Walang hiya ka, kinuha mo ang pinakaunang halik ko gago ka!” paulit-ulit kong sabi sa kanya at dumaing naman siya kasabay ng paghawak sa dalawang kamay ko para hindi ako makagalaw. Kalaunan ay tumawa lang na para bang walang nangyari! Baliw ba to?! “Sorry. I just had to do it. I have a purpose for that.” aniya at kinagat ang labi niya para pigilan ang sariling mapangiti. Nilingon niya ang likuran ko na parang may hinahanap. Hahampasin ko na sana siya ulit nang may naalala akong sinabi ni mama noon. “Nak, huwag na huwag kang magpapahalik sa kahit kanino bago kasal ah?” sabi niya habang tinatali ang buhok ko para makapaglaro ako mamaya. “Bakit naman po, ma? Anong mangyayari?” nagtatakang tanong ko. “Nakakabuntis ’yon, sige ka. Alam ko pa namang pinakakatakutan mo ’yon kaya mag-ingat ka.” Napatanga ako pagkatapos maalala ko ang sinabi ni mama noon. Umawang ang bibig ko at napasinghap. Huwag mo sabihing.... “M-mabubuntis a-ako?” nauutal kong tanong sa sarili ko. Tinignan ko ang mga kamay kong nanginginig na sa takot at pangamba, hindi alam kung ano ang gagawin. Napahawak ako sa mga labi ko at wala rin ako sa tamang pag-iisip ngayon. Nakakabuntis ’yon, sige ka. Nakakabuntis ’yon, sige ka. Nakakabuntis ’yon, sige ka. “Are you alright?” tanong ng lalaki sa harap ko. Galit ko siyang nilingon at sinulong saka hinampas pa ng mas malakas at paulit-ulit. “Hayop ka! Mabubuntis ako, hayop ka! Napakahayop mo!” hindi ko namalayang nahulog na pala ang luha ko dahil sa takot. Hindi pwede! May sakit pa ako at kung sakali ay...hindi ko kakayanin. Sino naman ang mag-aalaga sa anak ko? Itong lalaking ’to?! Baka hindi ako mabibigyan ng pagkakataong makita man lang siya kahit saglit. Hindi pwede! “Ouch! Stop! Why are you doing this?!” sabi pa niya ngunit hindi ko naman naiintindihan. Patuloy lang ako sa paghahampas. “Dahil sa’yo ay mabubuntis ako-” hindi pa ako natapos sa sinabi ko nang bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang papulsuhan ko at hinila ako palapit sa kanya. Pinagpalit niya agad kami ng pwesto at napasandal naman ako sa holdings ng bridge. Inilagay niya sa magkabilang gilid ko ang mga braso niya para hindi ako makawala. Hiningal akong nakatingin sa kanya at hindi na makapagsalita dahil sa gulat. “What are you talking about? Huh?” mahinang sabi niya. Halos hindi ako makapagsalita dahil ang lapit lang ng mukha namin. Ang mga katawan namin ay magkadikit niya. Ayaw niya talagang pakawalan ako! “Huwag mo akong ingles- inglesin! Hindi ako marunong magsalita ng ingles at hindi kita maiintindihan!” galit na sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya sa una ngunit napatango naman pagkatapos. “Bakit ka nagagalit?” tanong niya sa mahinahong boses. Napalunok ako dahil nakakakilabot pakinggan! Nararamdaman kong hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para patahanin ako. “Kase...” halos hindi na ako makapagsalita dahil namumuo na naman ang mga luha ko. “Kase ano?” pahabol na tanong niya. “Kase mabubutis ako!” doon ako sumigaw at humahagulgol. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko. Wala akong narinig na ni isang salita sa kanya kaya nagtataka ako. Nang iminulat ko ang mga mata ko ay nakita kong kunot-noo siyang nakatingin sa’kin. Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. “Huh? B-buntis ka?” nauutal na tanong niya sa’kin. Ayaw ko sanang umamin ngunit hindi ko na napigilang hindi tumango. Narinig ko ang mahinang pagmura niya at kalaunan ay humahalakhak. Kunot-noo ko siyang tinititigan. “Anong tawa-tawa mo diyan?” inis na tanong ko. “Why are you telling me this? Pft!” malakas siyang tumawa sa harapan ko. “Kasi hinalikan mo ako at dahil dito ay mabubuntis ako!” pagmamakatatag ko pa. Nahinto siya sa paghahalakhak at nanlakihan ang mga mata. “What?!” gulat na tanong niya. “Hinalikan mo ako!” “What’s the connection?” “Hindi ko alam! Sabi ni mama mabubuntis ako kapag hinalikan ako!” iyon na ang huli kong sinabi sa kanya. Marahas siyang napabuga ng hangin at napamewang sa harapan ko. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya para pigilan ang tawa niya. “Sorry to spoil you, but that isn’t true.” tugon niya. “Ha?” paulit-ulit nalang akong magsasabi ng ganito? Sinabing hindi nga ako marunong mag-intindi ng ingles eh! Bakit? Hindi pala makakabuntis ang halik? Bakit sinabi ni mama sa’kin? “Hindi ’yon totoo.” “Pa’no mo nasabe?” sumbat ko pa. “Basta.” “Anong basta?” “Wala.” huling sabi niya at naptingin sa paligid. “Phew. Glad she left..” aniya at ginulo ang sariling buhok. Tumingin din ako sa likuran ko at napagtantong umalis na pala ang babaeng sumigaw kanina. Sayang, hindi ko man lang nakita kung ano ang hitsura niya. Kumunot naman ang noo ko nang makitang papaalis na siya. Hindi pwede! Agad kong hinawakan ang papulsuhan niya kaya napatingin siya sa’kin. Tinignan niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. “Ano?” kunot-noong tanong niya. “P-pwedeng magtanong?” kahit nahihiya ako ay nagawa kong magtanong. Bahala na, kailangan ko kasing gawin ’to. “Anong itatanong mo?” mahinahon niyang sabi. Hindi naman siya naiinis tignan. “S-san ba ang b-bahay na ito?” tanong ko at kinuha ang nakalukot na papel sa bag at ipinakita iyon sa kanya. Letrato ito ng isang malaking bahay. “Magtatrabaho kasi ako bilang maid dito. Sabi nila sikat raw ang pamilyang iyon kaya pwede raw akong magtanong kahit sinong tao.” Tinignan niya ang picture at agad nanlakihan ang mga mata niya. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa letratong hawak ko. Umawang ang bibig niya at parang may hindi inaasahan. “I-ikaw ang napili nilang m-maid?” nauutal na tanong niya sa’kin at itinuro pa ako. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pa’no niya nalaman? Ganoon ba kasikat ang bahay na ito dito sa Ilocos Norte? “Opo. Ngayon kasi ako magsisimula sa trabaho ko..” napakamot ako sa noo ko at tumango. Tumaas ang sulok ng labi niya at nananatiling nakatitig sa’kin. “Then, let’s go!” masayang anas neto at napatalon ako sa gulat nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako patungo sa sasakyang nakatambay doon sa gilid ngunit nagpupumiglas ako. “Ano ba! Bitawan mo ako! Nagtatanong lang ako, teka!” paulit-ulit kong sabi ngunit hindi siya nagpapatinag. Pilit akong kumawala subalit napasigaw nalang nang binuhat niya ako na para bang isa akong sako! “We’re going home, baby..” tugon niya at hinawakan ako ng mahigpit sa bewang. Hinampas-hampas ko siya sa likuran. Humahalakhak lang ito! “Tulong! Tulong po!!” sumisigaw-sigaw ako kahit kami lang naman dalawa ang nandito at walang tao ni isa. Mataas kasi ang bridge at nasa gitnang bahagi kami. Mas malakas pa ang ingay ng mga alon kaysa sariling boses ko. Hinawakan ko ang pwet ko baka malipad sa hangin ang palda ko. Wala pa naman akong pantakip sa loob. Jusko! Nararamdaman ko ang mainit niyang palad na nakahawak rin sa balakang ko! Pakiramdam ko ay nawala na ang pinaka-iingatan kong dignidad. “Ibaba mo ako- Ah!” Napatili ako nang agad niya akong ipinasok sa loob ng sasakyan. Sinara niya ang pintuan sa gilid ko at pumunta sa kabila para pumasok na rin. Kailangan kong lumabas! Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko sa pintuan. Hindi kasi ako marunong gumamit ng kahit anong parte ng bagay na ito. Paano ba ’to buksan?! “Oops. Baby, masama ’yan. Wala kang kawalan sa’kin.” narinig ko ang panunuksong sabi niya sa gilid ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may tunog ng lock sa sasakyan. Nagsimula na itong gumalaw at kalaunan ay umalis na kami sa bridge. Nanginginig ang kamay ko sa kaba at halos maiiyak na ako. Kikidnappin niya ba ako? Papatayin niya ba ako? Napatingin ako sa kinalalagyan ng mga kamay niya. Parang may kinontrol siyang isang bilog na nagsisilbing gabay sa bawat galaw ng sasakyan. Dahil natataranta ako ay hinawakan ko iyon at iniikot-ikot sa sarili kong desisyon. Nagulat siya sa ginawa ko. “No, don’t hold the steering wheel! Madidisgrasya tayo, ano ba?!” sigaw niya at kinuha ang mga kamay ko sa pagkahawak. Nahinto ako sa ginawa ko nang may tinapakan siya sa baba ng upuan niya dahilan para marahas na mapahinto ang sasakyan. Nahulog ako sa kinauupuan ko at nabunggo ang ulo ko sa harapan. “Awww...” hinahaplos-haplos ko ang noo ko dahil ang sakit! “I told you not too! Tignan mo kung ano ang nangyari tuloy. Ni hindi ka pa nga nagsuot ng seatbelt. Damn...” inis na sabi niya at tinulungan akong sumandal sa upuan. Napaiyak ako bilang tugon. “Ibaba mo kasi ako...Nagtatanong lang naman ako ngunit bigla mo nalang akong ipinasok sa sasakyan mo..” malakas akong humahagulgol at nakita ko namang nagulat siya sa inakto ko. “Because we are going to that place! Bahay namin ang tinutukoy mo at magtatrabaho ka sa bahay namin. Naiintindihan mo ba?” tugon niya at nahinto naman ako sa pag-iiyak. “Ha?” naguguluhan na tanong ko. Kinuha niya ang papel na hawak-hawak ko at ihinarap ’yon sa akin. Bahay nila ang pagtatrabahuan ko?! “Bahay namin ito.” itinuro niya ang picture. “At sabi mo, magtatrabaho ka dito, kaya dadalhin kita pauwi ngayon.” aniya at inilagay ulit sa hita ko ang papel. “Dapat magpapasalamat ka pa nga sa’kin dahil hindi mo na kailangang gumastos papunta doon. Tsk!” Napaawang ang bibig ko at ni isang salita'y walang lumabas dahil sa gulat. Ano?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook