PAGSAPIT ng lunch ay mas pinili ni Wendy na lumabas ng ospital. Kailangan niyang sumagap ng hangin at kumain nang matino. Pagkakita niya kanina sa mga kamag-anak nilang gusto niyang kabitan ng malaking ‘fake’ sa mga noo ay naisip niyang kailangan niyang maging matapang at matatag para sa ama. Sugatan sa ngayon ang Daddy niya, kailangan niyang maging malakas para rito. Hindi niya maaring ipagkatiwala sa iba nang matagal ang pagbabantay sa ama. Dapat ay nasa tabi siya nito lagi. Walang dapat makalapit sa ama na hindi dadaan sa kanya. Sa ganoong way lang niya masisiguro na ligtas ito. Deretso siyang pumasok sa fast food restaurant at pumila. Sa suot niyang jeans, t-shirt at white cap, wala pa siya ni katiting na make-up kaya mukha siyang zombie ay hindi na siya mapapansin ng mga kasabayan ni

