Five

1059 Words
Hinintay na lang ni Rigorr na kalmutin siya nito. Pinigil niyang ngumiti, tulad ng plano, sa tingin niya ay naipakita niya nang tama ang gusto niyang maging impresyon nito sa kanya—na magkasing-sama lang ang ugali nila. Na magkasama sila dahil wala siyang pagpipililian. Nahulaan na niyang ginawa nang lahat ng mga naging bodyguards nito ang magpaka-santo sa kabaitan pero walang epekto iyon kay Wendy. Hindi nagbago ang masamang trato nito maging sa mismong security team ng ama. Gusto niyang makita nitong hindi siya katulad ng mga iyon na maglulumuhod rito maging maayos lang ang pagtrato nito. Hindi niya kailangan ng maayos na pagtrato. Ang tanging mahalaga sa kanya ay matapos ang trabaho nang walang masasabi si Mayor Willard.             “Beast!” angil ni Wendy. Kung laser lang ang tingin nito ay bumulagta na siya.             “Witch,” mahinang sagot ni Rigorr, kunwari ay para sa sarili pero sinadya niyang iparinig dito.             “What did you say?” kulang na lang ay umusok ang ilong nito.             “Linisin mo’ng sarili mo,” sa halip ay sabi niya. “Naaamoy kita.”             Halos magtagis ang mga ngipin ni Wendy. “You…You’re—”             “Matagal ko nang alam na hayop ako sa paningin mo. Lumayo-layo ka sa akin nang hindi tayo nagkaka-problema. Ginawa mo pa akong vomit bag.”             “How dare you!” halos patiling sabi nito. “Hindi ko sinadyang—”             “Bodyguard mo ako, hindi vomit bag at lalong hindi nurse mo,” putol niya. “Huwag kang umasang may magagawa ako para sa `yo sa sitwasyon mo ngayon. My job is to keep you safe and nothing else.” Malamig na sabi ni Rigorr. “Iuuwi na kita. Mas magiging maayos ang pakiramdam mo kapag nakapagpahinga ka.” Napamaang sa kanya ang Witch. Na-speechless? Oh, he wanted to laugh hard. Kung may score board sila, lamang na siya sa score.   KUNG TULOG o nagpapanggap lang na tulog si Wendy ay hindi matiyak ni Rigorr. Nakahilig ito sa backrest at nakapikit, nasa magkabilang tainga ang mga earphones.             Naalala  niyang sa uri ng tingin nito sa kanya kanina ay parang gusto siyang patayin sa tingin lang. Pigil na pigil niyang mapangiti. Hindi niya mapigilang maaliw sa anyo ng babae.             The wench was prettier when angry.             Pasulyap-sulyap siya sa rearview habang matulin ang takbo ng sasakyan. Hindi iyon ang unang punta niya sa Victoria pero inaral na niya ang pasikot-sikot sa lugar sa pamamagitan ng mapa at actual na pag-iikot. Lagi niyang ginagawa iyon kapag kasama sa assignment ang maging driver. At sa kasalukuyang sitwasyon ng mag-amang Willard at Wendy, hindi makakatulong ang isang driver na walang sense of direction.             Mula sa ospital na nasa City proper ay dalawang barangay ang dadaanan nila bago ang bahay ng mag-ama na nasa Vivar, ang ikatlong baranggay ng Victoria. May dalawang way na pagpipilian—long way, na malinis na highway ang dadaaanan nila pero aabot ng forty-five minutes, o ang short cut, ang mas malapit na daan na less than thirty minutes lang ang biyahe pero pawang talahiban at kakahuyan ang nasa gilid ng kalsada—papuntang Vivar. Pinili niyang dumaan sa huli, na pinagsisihan niya at isinumpa sa sariling hinding-hindi na niya uulitin nang mapansin niya ang itim na van na nakasunod sa kanila.             Humigpit ang hawak ni Rigorr sa manibela. Inihanda ang sarili sa posibleng mangyari. Pasado alas otso na nang gabing iyon. Malalayo ang distansiya ng mga bahay na dinadaanan nila. Inabot niya ng isang kamay ang bag niyang nasa passenger seat, bukas na iyon, kukunin na lang niya ang issued firearm na dala niya. Bukod sa baril ay may naroon rin ang isang set ng patalim, ibinibigay iyon ni Martin, ang kaibigan ng big boss nilang si Rance bilang regalo sa bawat RRS Men na nagtagumpay makalusot sa animo ay buwis-buhay na training.             Kinapa niya sa bulsa ang cell phone. Nag-speed dial siya—number two. Segundo lang ay tinanggap na ng partner na hindi niya alam kung nasaang panig ng Victoria nang sandaling iyon. Mabilis niyang sinabi ang sitwasyon at location nila. Sunod niyang ibinigay ang description ng van.             Pagtingin niya sa rearview ay nakita niyang kumilos si Wendy at tumingin sa likuran nila. Narinig nito ang pakikipag-usap niya sa cell phone? Ibig sabihin, nasa mga tainga lang ng babae ang earphones pero wala talaga itong anumang pinapakinggan. Kung tama ang hula niya, nagpapanggap lang na tulog si Wendy pero ang totoo ay pinakikiramdaman lang siya nito.             “Sino’ng tinawagan mo?” Lumingon uli ito sa likuran, pagkatapos ay umayos ng upo at kumapit sa handle ng pinto sa tabi nito. “Dagdagan mo ang speed natin!”             Hindi siya nag-react, nakatutok ang atensiyon siya sa pagmamaneho at sa pagmamasid sa galaw ng sasakyan sa likuran nila. Tinangka nang makalapit ng van kanina pero hindi niya binigyan ng chance. Sapat pa ang distansiya nila.             “Move,” kaswal niyang utos kay Wendy. “Sa kaliwa. Dalawang bagay lang ang kailangan ng mga `yan: Ang kunin ka o patayin ka,” kaswal niyang sabi. “Iuuwi kita nang ligtas kaya kumapit ka.” Kaswal niyang sabi, dinagdagan niya ang speed nila.              Nang mga sumunod na sandali ay animo nasa karera na sila. Sa pasikot-sikot sa lugar ay wala siyang laban sa sinumang mga nasa van, pero sa galing sa manibela ay nasisiguro niyang nakakalamang siya. Hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang van na madikitan sila.             Lumiko siya sa huling kalye na magdadala sa kanila sa highway.             Nang sumunod niyang paglingon ay wala na ang van. Sinulyapan niya si Wendy sa rearview, nahuli ng mga mata niya ang relieve nitong paghinga. Nag-ring ang cell phone niya. Tinanggap niya agad ang tawag. “Dreigh.”             Kaagad na nagtanong ang partner niya ng sitwasyon at location nila. Sinabi niyang wala na ang buntot nila.             “Handa na sana akong makipaglaro, man,” anang partner niya, tumatawa ito. “How’s the witch?”             “She’s alive with fangs on,” sagot niya at pinigilang mapangisi. Pagsulyap siya sa rearview ay naniningkit ang mga mata ni Wendy, para bang nahulaan nito ang pinag-uusapan nila. Ibinalik niya ang blangko niyang ekspresyon.             Tumatawa pa rin si Dreigh hanggang nawala na ito sa kabilang linya. Ilang minuto pa ay nasa private property na sila na kinaroroonan ng bahay ng mag-amang Veltran.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD