One month later… SI DADDY talaga! Nakakainis… bulong ni Wendy sa sarili habang nasa elevator siya at paakyat sa unit ni Rigorr. Sa loob ng isang buwang lumipas ay nakaapat na beses na yata siyang lumuwas ng Maynila para makita ang ex-bodyguard niyang naglaho na lang bigla pagkatapos niyang makabalik sa normal na buhay. Nagbalik na nga sa normal ang lahat—ang buhay niya noon bago dumating si Rigorr sa buhay nilang mag-ama. Buo na uli ang security team ng ama niya, wala nang banta sa buhay nila at si Bettina na uli ang driver niya sa pagbabalik eskuwela. Tuwing titingnan ni Wendy ang sarili sa salamin, wala siyang nakikitang nag-iba sa kanya liban sa nababasa niyang lungkot sa mga mata. Malungkot siya. May nararamdaman din siyang parang butas sa dibdib. At sa bawa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


