NAPAILING na lang si Rigorr habang lihim na pinagmamasdan sina Ice at Wendy na nag-aargumento sa seashore—pang-apat na beses na niyang nasaksihan iyon. Mula nang umiwas sa kanya sa Wendy na hinayaan din niya para na rin sa katahimikan nila pareho—ay si Ice na ang naging sentro ng tantrums nito. Tumatawa siya ng lihim kapag napikon na’t lahat si Ice ay hindi pa rin nito napipilit bumalik si Wendy sa beach house. Napatunayan niya kung gaano ka-stubborn ang prinsesa ni Mayor. Sa tingin ni Rigorr, nakakahalata na si Wendy na wala talagang balak ang dalawang ‘bantay’ nila na saktan ito. Lagi na ay hinahamon nito ang pasensiya ni Ice. Sa huli ay ibinubunton na lang ni Ice sa punching bag ang pagkapikon kay Wendy. Nang araw na iyon ay pang-sampung araw na nasa isla sila. At pang-anim

